^

Pang Movies

Miss World Philippines high tech na rin!

Rodel C. Lugo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Absent si Megan Young, ang kinoronahang Miss World 2013 sa press launch ng 27 official candidates ng Miss World Philippines 2015 noong Martes sa Eclipse Lounge ng Solaire Resort and Casino. Ito’y dahil umano nasa taping siya ng MariMar ng GMA 7 ayon kay Cory Quirino, founder ng Miss World Philippines. Present naman ang dalawang beauty queens at pinagkaguluhang sina reigning Miss World Philippines Valerie Weigmann na seksing-seksi sa kanyang slit dress at medyo late dumating na si Gwendolyn Ruais, Miss World Philippines 2011.

Namataan din si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa press launch. Ilocos Sur ang napiling official tourist destination ng Miss World Philippines ngayong taon kung saan kukunan ang kanilang swimsuit segment sa October 6-8.

Sa mga nagseseksihan at naggagandahang kandidata, lutang na lutang ang kulay ni candidate number 10, Tweena Pagulayan ng Tuguegarao City. Naalala sa kanya ang magandang kulay ni Venus Raj. Halos lahat kasi ng pasok sa 27 na kandidata ay mapuputi at hindi purong Pinay ang beauty.

Rumampa sa hot pink na two-piece swimsuit ang mga kandidata at marami na agad ang fans nina candidates number 7, Ma. Jackielyn Dulay ng Nueva Ecija; number 14, Marita Cassandra Naidas ng Antipolo City; number 20, Mariah Nilo ng Catanduanes; number 22, Vianca Louise Marcelo ng Bulacan; number 24, Jeddahliz Maltezo ng Ilocos Norte na kailangang i-improve ang lakad dahil masyado siyang magaslaw; at ang mukhang may pinakamaraming bet na si number 27, Hillarie Danielle Parungao.

Posturang-postura at labas-puwet ang tindig ni Hillarie Danielle na siya sigurong kinaaliwan ng press at media. Nakakatawa naman si candidate number 16, Erica Rose Bayani na kitang nagsasasayaw sa backstage pagkatapos rumampa.

High tech na rin ang Miss World Philippines dahil nag-launch sila ng mobile application na gawa ng ThinkBIT Solutions kung saan maaari nang subaybayan online ang mga bet n’yong kandidata.

Kokoronahan ang Miss World Philippines sa October 18, Linggo sa The Theater ng Solaire Resort and Casino at live itong mapapanood sa GMA 7, under AVL Presentation ni Arnold Vegafria at ididirek naman ito ni Robbie Carmona.

Ang magwawagi ang ipadadala ng bansa sa Miss World na gaganapin sa China ngayong Disyembre. 

vuukle comment

ANG

ANTIPOLO CITY

ARNOLD VEGAFRIA

CORY QUIRINO

ECLIPSE LOUNGE

MISS

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

NUMBER

SOLAIRE RESORT AND CASINO

WORLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with