Alden dinumog sa Bacoor Festival!
Grabe ang dami ng tao na nag-abang kay Alden Richards last Sunday ng hapon sa bagong munisipyo ng Bacoor sa may Molino Boulevard.
Mabuti na lang at mabilis kumilos si Mayor Strike Revilla na lumabas sa bago ring gym sa tabi ng munisipyo kung saan muntik nang magka-stampede ang mga tao na nagkakagulo. Hindi na rin kasi nagpapasok ng tao sa loob ng gym dahil puno na ang venue.
Ginanap kasi ang labanan ng mga banda at majorette last Sunday na part ng Bacoor Festival. Nagkataon pa na special guest si Alden at wala pa itong bayad.
Hapon pa lang, bawat dumarating na magandang sasakyan ay sinasalubong na ng mga tao. Ang kapal ng tao na gustong makita si Alden na bitbit pa ang mga bata maging mga lolo at lola.
Wala nang madaanan sa kalye ng munisipyo kaya ipinatayo agad ni Mayor Stirke ang bagong stage para makapanood ang lahat ng tao sa ginagawang event sa loob ng stadium.
Agad-agad pinakilos ni Mayor Strike ang staff niya na ilipat ang stage na originally ay nakalagay sa harap ng munisipyo. Pati ang malaking TV screen ay binuhat din sa tabi ng stadium.
Hindi akalain ng grupo ni Mayor Strike na dudumugin sila ng taumbayan na panay ang sigaw sa pangalan ni Alden. Kahit pasado 9 p.m. na dumating si Alden ay hindi pa rin umalis ang mga tao na kahit inabutan pa sila ng malakas na ulan.
Maging si Mayor Strike ay bilib sa magic ng AlDub dahil nakuha raw nito ang puso ng masa.
Kita naman sa TV screen si Gov. Lani Mercado na pinagkaguluhan nang magpabebe wave ito na ala-Yaya Dub.
Bale ba nauna na ang blood letting last Tuesday ng magkapatid na Mayor Strike at Bong Revilla sa Camp Crame.
Ngayong araw ang Bacoor Day na officially ay pagbubukas din ng bagong Munisipyo ng Bacoor. Siyempre, proud si Mayor Strike dahil totoo namang maipagmamalaki ang bagong munisipyo na impressive ang ganda.
Samantala, huling termino na rin ni Mayor Strike na tatakbo naman bilang Congressman ng Bacoor sa darating na eleksyon.
- Latest