^

Pang Movies

Mga kasali sa YFSF tumatak

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Lahat ng participants sa balik-TV na Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN ay talaga namang naggagalingan. Nagsimula na ito last Saturday night with the same panel of jurors na sina Megastar Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Jed Madela. Patuloy namang host si Billy Crawford at kasama ngayon si Melai Cantiveros na siyang nagwagi ng grand prize noong season one ng YFSF. Ang husay nila sa panggagaya ng celebrities mula sa panalita, pagkanta, at siyempre mukha.

Bale walo silang nagtutunggali - Michael Pangilinan, Kean Cipriano, Eric Nicolas, Denise Laurel, Sam Concepcion, Kakai Bautista, Myrtle Sarosa, and KZ Tandingan. Grabe, lahat sila ay winner sa galing pero isa lang sa kanila ang talagang magwawagi.

Ngayong gabi ay tiyak na aabangan na naman ang pag-arangkada ng YFSF.

Kukurutin daw ang itlog Joko hina-hunting ng mga bading!

Excited ang fans ni Ken Chan dahil nagsimula na ang Destiny Rose at big break niya ito bilang baguhan. Hindi akalain ni Ken na napapansin siya ng pamunuan ng network kaya nang pumasok ang Destiny Rose na may temang kabaklaan, si Ken ang naisip ng production staff dahil bagay na bagay sa built ng kanyang katawan ang karakter na ginagampanan.

Usung-uso na ang baklaan sa TV series at pelikula. Wala namang masama rito dahil ang gagaling nga nila sa akting. Pero swear to death si Ken na straight siya.

E, kung madevelop siya at mamunga?

Teka, grabe naman itong si Joko Diaz, galit na galit sa anak na si Ken noong bata pa nang malamang bakla ito. Buti na lang at sa story lang ito, kasi nag-react ang mga barkada kong bading, kukurutin nila sa itlog si Joko ‘pag nakita. Paepekto daw! Wee!

Personal…

Get well soon Emy Abuan, kaya mo ‘yan! Dasal lang ang kailangan bukod sa doktor at mga gamot.

Thanks God at magaling na si Ethel Ramos.

Dasal din ang kailangan natin bukod sa Divine Healer Lord Jesus, Saint Padre Pio.

vuukle comment

ALIGN

ANG

BILLY CRAWFORD

DASAL

DENISE LAUREL

DESTINY ROSE

DIVINE HEALER

EMY ABUAN

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with