May pinagdaraanan na naman? Kris nagpatapyas ng buhok
Bagay kay Kris Aquino ang maikling buhok, bagama’t tulad ng kanyang co-star sa soon-to-be released Etiquette for Mistresses, si Claudine Barretto, nag-gain din siya ng pounds.
Mukhang ‘di na matutuloy ang pagtatambal for the first time sana nina Kris at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry for this year, Mr. & Mrs. Split.
Bagama’t matutuloy pa rin ang movie, na may bagong titulo na, Pamilya Lab Lab Lab, Mayor Herbert as leading man daw has been replaced by Derek Ramsay.
Well, don’t, ask us why.
But Kris’ son, Bimby, will be retained in the movie. And of course, ang magdidirek pa rin ay si Direk Antoinette Jadaone.
Of Kris’ Etiquette for Mistresses, co-starring niya sa pelikula sina Iza Calzado, Cheena Crab, at Kim Chiu.
Coney na-realize na hindi lahat pera
Lessons sa mga mother on how they should bring up their children ang role na ginagampanan ni Coney Reyes sa high rating series, Nathaniel.
‘‘Day one pa lamang ng pagpapalaki ng isang ina sa kanyang anak, dapat magkaroon na siya ng ideya on how her son/daughter would grow up,’’ ani Coney.
In Nathaniel, Coney plays a Mom na gahaman sa pera, only to realize in the end, that money is not the key to happiness and peace of mind.
‘‘Nearly too late na nang ma-realize niya ito. By then, Gerald Anderson as Paul, has almost adapted na to the rule na kinagisnan niya sa ina.
But as Nathaniel, the child angel played by child actor Marco Masa, said, walang imposibleng bagay na mimithiin ang isang tao na ‘di matutupad basta ipagkatiwala niya lamang ito sa Diyos.
Seven days na lamang ang itatagal sa himpapawid ng Nathaniel at mag-e-end na ito.
Baron sinagip daw ng angel nang maaksidente
One actor in Nathaniel, whose performance as a kontrabida ay talagang napapansin ay si Baron Geisler.
Ang galing niya sa mga eksenang ang dating niya ay devil in disguise.
‘‘For me, what I would consider the devil in me in real life ay ang aking bisyo. Na thank God ay binabago ko na.
‘‘Thanks sa Nathaniel, since I learned a lot from the theme of the series, pati na from my co-stars,’’ saad ni Baron.
Special mention ni Baron si Coney Reyes, whose pagiging prayerful sa tunay na buhay, is well know, whom he would approach daw once in a while, purposely to request na i-pray over siya nito.
Known for his sari-saring bisyo, Baron said Nathaniel has influenced him to change. He feels it, he added.
Baron swears ‘di siya tumikim ng alak on the night nabangga ng isang truck ang kanyang SUV.
Warak daw ang kotse, pero surprisingly, siya na nagda-drive ng car, came out of the accident unscathed. Nagkaroon man daw siya ng galos ay minimal lang.
‘‘Maniwala kayo o hindi,’’ pahayag ni Baron. ‘‘While I was being retrieved from my car, ang pumasok sa isipan ko ay si Nathaniel, bilang Angel na lumilipad,’’ dugtong pa ni Baron.
Happy Birthday!
Happy birthday to fellow entertainment columnist Chit Ramos, who is turning a year older bukas, Sept. 20.
Happy birthday din in advance Salve A.
- Latest