^

Pang Movies

Dennis sinusuwerte!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming nakakapansin, todo-akting na raw si Dennis Trillo magbuhat noong magkabalikan ang tambalan nila ni Jennylyn Mercado. Magkasama ang dalawa sa kasalukuyang serye ng GMA-7 na My Faithful Husband.

Sa huling serye kasi na sumikat noon ay pinagtambalan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. At ito ay pumatok, at least, nawala na sa isipan ng mga fans, na sa lalaki pa rin pumapatol ang kanilang idol.

Sinusuwerte talaga si Dennis ha, napunta sa kanya ang lead role sa Felix Manalo Story. Bongga ang talent fee ng aktor sa naturang movie.

Ina todo zumba para hindi maging dabyana

Maraming artista ang naiinggit kay Ina Raymundo.

Paano, lima na ang mga anak, pero ang katawan ay still very slim. Karamihan sa mga nakasabayan ni Ina, naglalakihan ang beywang at malulusog ang katawan. Teka, ano ba kasing sikreto ni Ina?

Limitado lang pala ang pagkain ng aktres. Hindi porke’t paborito niya ang ulam, lalantakan agad. Bihira siyang kumain ng baboy, at mahilig sa fruits. Ang katas kasi ng prutas ay maganda sa katawan, sa halip na magkakain ng chichiria or carbonated soft drinks.

Isang sekreto pa ng actress, three times a week ay sumaayaw siya ng zumba na magaling daw na exercise sa katawan. Married siya kay Brian Poturmak, may limang anak na sina: Erika, Mikaela, Mirka, Amika at Jacob.

Amanda tinuturuang mag-split ang mga senior citizen

Once a month, may ballroom dancing ang mga kababaihang taga Barangay Sto. Domingo, Quezon City na pinamamahalaan ng dating aktres Amanda Amores, sex goddess of the 80’s. Si Amanda ang lovely wife ng Barangay Chairman of Sto. Domingo, Richard Yu at bagong president ng Sto. Domingo Rotary Club.

May karapatang magturo ng sayaw si Amanda dahil dancing Queen siya ng showbiz noon, noong hindi pa uso ang indie films. Nakita namin, namimigay siya ng mga pagkain at gamit sa mga kababaihan, katuwang ang anak na Kagawad na si Michelle China Yu. Nagpa-raffle pa siya.

Kwento ni Amanda, nakakawala ng stress at nagiging united silang mga kababaihan at nagkakadamayan. Masaya silang sumasayaw kesehodang senior citizen sa dance floor.

Napapikit na lamang kami noong mag-split sa dance floor ang isang senior citizen, pwede pa pala ang ganyang edad na. Unbelievable. Ang saya-saya!

Enrique dapat mahiya sa big bosses ng Dos

Nakakahinayang naman ang todo suportang ibinigay ng ABS-CBN para mapaputok ng husto ang Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano, masasangkot lang pala sa isang iskandalo sa eroplano habang nasa London ang aktor. Parang nakakalungkot at nakakahiya sa kanilang Big Boss na sina Ms. Charo Santos at Madam Cory Vidanes na napakabait pa naman sa mga artista nila.

Mga artistang nagmamaldita dapat turuan ng leksiyon

Teka, totoo bang kapag ang isang artista nakapag-show na sa abroad ay nagbabago na ng pag-uugali?

Feeling nila ay sikat na sikat na sila. Meron nga daw nagmamaramot pang magpa-picture sa mga kababayan natin doon na nanonood ng kanilang show.

Hoy! Mabuti nga at naimbitahan kayo doon eh, nakakahiya kayo noh! Dapat tandaan n’yo, binayaran kayo ng mga ito. Itigil yang attitude, attitude na ‘yan.                                                                                

 

vuukle comment

AMANDA

AMANDA AMORES

ANG

BARANGAY CHAIRMAN OF STO

BARANGAY STO

BIG BOSS

DENNIS TRILLO

INA

MGA

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with