^

Pang Movies

AlDub binigyan ng pagkakakitaan ang fans

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami pa rin ang nakikisakay sa AlDub fever dahil nang mapadaan ako sa Divisoria last Thursday bago bumuhos ang ulan, pinagkakaguluhan na ang mga T-shirt na may mga samu’t saring hash tags na pinasikat sa kalyeserye ng Eat Bulaga tulad ng #AlDub, #MaineForever, #SaTamangPanahon, at pati na ang pinauso nina Maine at Alden na pinky swear. Tiyak na marami pang t-shirt designs ang lalabas.

Kilalang malikhain at siguradong pag-iisipan ito ng mga Pinoy basta puwedeng pagkakakitaan. Kaya abangan na lang ang madadagdag pang AlDub memorabilia items na puwedeng mug, doll, key chain, pamaypay, atbp.

Sa rami ng tao sa Broadway Centrum kung saan dinudumog sina Yaya Dub at Bae Alden, puwede nang pagkitaan ang mga t-shirt at pamaypay na items.

At least, nakatulong pa ang AlDub tandem na magkaroon ng pagkakakitaan ang fans nila na kinikilig sa kanila.

Coleen nangakong hindi sisirain ang career

Nag-level up hindi lang ang beauty ni Coleen Garcia, kundi pati na rin ang kanyang status sa showbiz mula nang ipareha siya kay Derek Ramsay sa pelikulang Ex with Benefits.

Kaya sobrang thankful si Coleen na pinagkatiwalaan siya ng Star Cinema. Nagpapasalamat din si Coleen kina Derek at Direk Gino Santos dahil iningatan daw siya sa movie hindi lang sa kanyang mga sexy scene, kundi hinamon din siyang ilabas ang kanyang akting.

Samantala, nag-promise si Coleen na hindi niya sisirain ang magandang takbo ng kanyang career.

vuukle comment

ANG

BAE ALDEN

BROADWAY CENTRUM

COLEEN

COLEEN GARCIA

DEREK RAMSAY

EAT BULAGA

GINO SANTOS

KAYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with