^

Pang Movies

Libre sa sex at pakikipagrelasyon, Matteo at Shaina, walang limitasyon ang ginagawa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Comfortable sina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao sa taping ng mini-series nilang Single/Single na co production venture ng Cinema One at ng The Philippine Star. Nasa pangatlong linggo na ang mini-series sa Sabado, September 12, na dinidirek ni Pepe Diokno mula sa script ni Lilit Reyes na producer naman ni Bianca Balbuena. 

Si Shaina ay si Joee at si Matteo ay si Joey at magka-share sila ng condominium unit na pag-aari ng nanay ni Joey.  Sa pagdaan ng mga araw, malalagay sa kakatwa at naughty situa­tions ang dalawa, pero lagi namang kapupulutan ito ng magan­dang aral sa pagtatapos ng episode.

Nagpasalamat si Direk Pepe na hindi lamang basta masaya ang kanilang serye kundi may kakaibang aral din silang ibinibigay dahil hindi sila binigyan ng limitasyon ng Cinema One sa mga gusto nilang atake sa bawat eksena.  Libre silang pag-usa­pan ang sex, pakikipagrelasyon, basta lahat ng mga pinagdadaanan ng millenials.  Kahit sa mga dialogue pwede silang mag-experiment, pwedeng Taglish ang gamitin nila na nakasanayan ng mga dating kung tawagin ay ge­neration X.

Maine inamin na secret dream niya talagang maging artista

Hanggang ngayon pala marami pa ring nagtatanong kung paano nakapasok si Maine Mendoza aka Yaya Dub sa Eat Bulaga. Wala pang nakaka-interview kay Maine na mga entertainment press dahil hindi pa rin siya nagsasalita sa kanilang Kal­yeSerye  ng Juan For All, All For Juan segment ng number one noontime show.  

Ayon sa blog post ni Maine, sa kanyang pamilya lamang niya ipinaalam na kinukuha siya ng EB, dahil siya man sa sarili niya ay hindi makapaniwala na kinukuha siya ng noontime show. Siguro raw may nakitang potential sa kanya maliban sa kanyang Dubsmash videos. Hanggang ngayon nga raw tinatanong niya ang sarili niya ng “ano ba’ng ginawa ko? Ano ba’ng meron sa akin? Bakit ako?”

Tinawagan pala siya ng staff ng EB for an interview, and after a few days, tinawagan siya na nakapasa siya at magiging bahagi na ng noontime show. Noon sinabi ni Maine na ‘secret dream’ niyang maging artista na kahit sa family niya, hindi niya sinasabi dahil natatakot siyang mapagtawanan at tingin niya ay hinding hindi naman matutupad ang pangarap niya. 

Pinapanood daw muna siya ng Juan For All, All For One segment nang live sa isang barangay at matapos siyang tanungin kung okay sa kanya ang naobserbahan niya at umokey naman siya, sinabing ilo-launch na siya ng Saturday (July 4), as Divina Ursula Bokbokoba Smash aka Yaya Dub (Smash), ang alalay ng sosyal na si Lola Nidora (Wally Bayola) kasama rin sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Kasunod na noon ay nabuo na ang AlDub love­team nang ang Problem Solving ay tinawag na ni Joey de Leon na KalyeSerye at isinama na si Alden Richards na nagko-co-host na noon sa EB.

Ngayon, isa na si Maine sa Dabarkads na nagpa­pasaya, nagpapakilig at nagpapaiyak sa mga manonood araw araw, Lunes hanggang Sabado, ng KalyeSerye hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo na may GMA Pinoy TV.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALL FOR JUAN

ANG

CINEMA ONE

HINDI

JUAN FOR ALL

NBSP

NIYA

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with