^

Pang Movies

Kanya-kanya pagkatapos ng take Dennis at Jennylyn may LQ, hindi nagkikibuan sa set

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May LQ (lover’s quarrel) nga ba sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo last week, sa set ng primetime drama nilang My Faithful Husband? Hindi pa sila umaamin na nagkabalikan na sila, may LQ na agad?

Ayon sa aming source, kapansin-pansin na hindi talaga nagkikibuan sina Dennis at Jennylyn sa set.  Ayaw daw naman nilang magtanong dahil personal na iyon ng dalawa.  In fairness daw naman, okey sila kapag nagti-take, iyon nga lamang after the scene, kanya-kanya na silang sulok sa set.  

Cignal TV abot sa bawat sulok ng ‘Pinas

Congratulations to Cignal TV dahil na­abot na nila ang isang milyong subscribers, mas maaga kaysa ini-expect nila nang ma­ilunsad nila ang pay-TV business in 2009 ng Mediaquest ng Philippine Long Distance Co. Beneficial Trust Fund, bago pa matapos ang 2015. Masaya siyempre ang mga Cignal executives at particularly si Cignal President and Chief Executive Officer na si Mr. Emmanuel C. Lorenzana.

Ang pay-TV provider ay choice ng ilan sa mga leading housing developes, hospi­ta­lity and tourism businesses dahil sa ma­raming channels nito na pwedeng ma-enjoy ng mga subscribers sa malawak na coverage na umaabot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at sa quality audio and video ng Cignal TV, tiyak ang ibang level of experience sa home entertainment. 

Alden at Maine, destiny daw dahil sa petsa ng birthday

Ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub ay naniniwala na hindi coincidence lamang kundi destiny nila ang isa’t isa. Nag-analyze sila at lucky number daw kina AlDub ang 5 (five), ang nagpa­simula ng love team na KalyeSerye ay pa­rehong five letters, ganoon din ang mga pangalan nilang Alden at Maine.  Kahit ang birthdays nila, si Alden ay January 2 at si Maine, March 3, kapag pinagsama ay 5 din. 

Ang hindi malilimutang pagta­tagpo nila sa unang pagkakataon ay nangyari noong Saturday, September 5.  Nagtala rin sila ng pinakamataas tweets sa hashtag nilang #ALDUBBATTLEForACause ng 5 million.  Sinasabing nagkita sina Alden at Maine in 2010 sa Candy Fair ng Candy magazine pero hindi pa artista noon si Alden, may lumabas na pic­ture na magkasama sila. Ngayong 2015, after 5 years nagkita sila sa Eat Bulaga.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BENEFICIAL TRUST FUND

CANDY FAIR

CIGNAL

CIGNAL PRESIDENT AND CHIEF EXECUTIVE OFFICER

DENNIS TRILLO

EAT BULAGA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with