Anak ni Cristine Reyes hindi pinatatawad ng bashers
MANILA, Philippines – Buti na rin lang at hindi mapagpatol si Cristine Reyes. Grabe kung libak-libakin siya sa tuwing ina-upload niya ang picture ng super cute niyang anak.
Imposible namang hindi niya ‘yun nababasa ‘yun. Sobra talaga, lahat na yata ng masasamang salita mula sa malandi ay sinabi na sa kanya.
Kung sabagay choice niya naman ‘yun. Siya ang nagbibigay ng chance na lait-laitin. Kundi siya nag-a-upload ng photo ng anak niya eh ‘si sana hindi siya nalalait.
Cignal TV umabot na sa isang milyong subscribers
Naabot na ng Cignal TV ang target nitong isang milyong subscribers. Mas maaga ito kumpara sa inaasahan nila matapos na mailunsad noong 2009 bilang pay-TV business sa ilalim ng Mediaquest, na pagmamay-ari ng Philippine Long Distance Co.’s (PLDT) Beneficial Trust Fund.
Sa pagtatapos ng 2014, umabot sa 844,000 ang subscribers ng Cignal TV. Hindi pa man natatapos ang 2015 ay naabot na nito ang 1 million subscribers kung kaya’t lubos itong ikinatuwa ng Cignal Executives kabilang na ang Cignal President and Chief Executive Officer na si Mr. Emmanuel C. Lorenzana.
Maliban sa pagkakaroon ng pinakamaraming subscriber, Cignal din ang pay-TV provider of choice ng ilan sa mga leading housing developers, hospitality and tourism businesses at iba pang institusyon. Ito ay dahil sa maganda at klarong digital viewing experience dulot ng advanced direct-to-home (DTH) satellite service ng Cignal na siya ring kauna-unahang kumpanya na naghatid ng superior 100% digital Pay-TV service dito sa bansa. Sa pamamagitan ng maraming channels nito na pwedeng ma enjoy ng mga subscribers; sa malawak na coverage na umaabot sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at sa quality audio and video ng Cignal TV, tiyak ang ibang level na experience sa home entertainment.
Benjamin Alves ginagaya sina Lovi at Heart
Tutok ngayon si Benjamin Alves sa kanyang pinakabagong business venture, ang Book and Borders Café. Proud owner si Benjamin ng coffee shop na ito na kahit kabubukas pa lang ay nagiging favorite place to hang out na maging ng mga celebrities. Kaya naman kapag walang trabaho o taping, dito madalas tumatambay ang Beautiful Strangers actor.
Bukod sa pakikipagsabayan sa kanyang mga co-actors pagdating sa aktingan, nagsisilbing inspirasyon din ni Benjamin sina Heart Evangelista at Lovi Poe na maging fit at healthy. Kaya naman kapag walang trabaho, o taping, sinisigurado ni Benjamin na nakakapag-workout siya para ma-maintain ang magandang pangangatawan.
MTRCB at Catholic Media Network, magkatuwang sa ‘Matalinong Panonood’
Muling nagkaroon ng katuwang ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa Matalinong Panonood para sa Pamilya at Lipunan nina Juan at Juana nationwide campaign matapos ang 85th Bi-Annual General Assembly ng Philippine Federation of Catholic Broadcasters-Catholic Media Network (PFCB-CMN).
Sa nasabing event na ginanap sa Concourse Convention Center sa Legazpi City, Albay noong Agosto 27, tinalakay ng MTRCB Chairperson na si Atty. Eugenio “Toto” Villareal ang kahalagahan ng pagtataguyod ng human dignity sa TV at film viewership.
Makikita sa larawan (L-R) sina Rev. Fr. Paulo B. Barandon, CEO ng Diocesan Multi-Media Services, Inc., Rev. Fr. Francis Lucas, CEO ng Catholic Media Network, at Chair Toto na kapwa kinikilala ang kanilang public-private partnership tungo sa age-appropriate at audience-sensitive na media at entertainment.
“The MTRCB believes that it is important to be engaged—to have the look and smell, as it were, of its stakeholders: both audience and industry players. That is why we visit as many places as we can and I am encouraging more and more of our people to work hand in hand with us in this meaningful endeavour,” pahayag ni Chair Toto sa kanyang speech.
Ayon pa kay Atty. Villareal, ang mga manonood ang pinaka-importanteng elemento ng industriya ng pelikula at telebisyon at ang pamilya naman ang pinakamahalagang component ng mga manonood. “We strongly believe that we should all help in its development and empowerment, towards audience-sensitive and, if you will, Filipino-sensitive content,” dagdag niya.
Sa nakalipas na mga taon ay nakikipagtulungan ang MTRCB sa ilang faith-based entities at associations gaya ng PFCB-CMN para sa pagsulong ng kanilang initiatives at advocacies.
Kris at Bimby kinilala ang tulong sa turismo
Kinilala ng travel at tourism professionals ang ABS-CBN bilang TV Station of the Year habang ginawaran naman ng hall of fame award ang Kris TV sa travel show category sa ginanap na 25th SKAL International Tourism Personality Awards kamakailan sa New World Hotel, Makati.
Pasok rin sa Hall of Fame para sa SKAL International Tourism TV Host category ang Queen of All Media na si Kris Aquino, habang ang kanyang anak naman na si Bimby ay wagi naman bilang SKAL International Youngest Tourism Media Personality.
Ang SKAL International Tourism Personality Awards ay taunang nagbibigay pugay sa mga indibidwal na malaki ang kontribusyon sa industriya ng turismo. Ang awards ay binibigay ng iba’t ibang chapter ng SKAL International, isang grupo ng travel at tourism professionals na nabuo noon pang 1932 at layuning itaguyod ang global tourism.
Kasabay ng 25th SKAL Awards ngayon taon ang pagdiriwang din ng ika-34 na anibersaryo ng SKAL-Makati chapter.
Ito na ang ika-13 na Best TV Station award na natanggap ng Kapamilya network mula sa iba’t ibang prestihiyosong local award-giving bodies ngayong taon. (SVA)
- Latest