^

Pang Movies

Jennylyn hindi alam kung paano magju-judge!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinaalala ni Jennylyn Mercado sa mga contestant ng Starstruck VI na hindi madali ang pinasok nilang contest.

Kailangan daw ay matibay ang loob nila at hindi sila susuko sa mga pagsubok na ibibigay ng mga magtuturo sa kanilang sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw at pakikitungo sa iba’t ibang mga tao sa showbiz.

Inalala nga ni Jennylyn ang matinding hirap na pinagdaanan niya noong contestant siya sa unang Starstruck noong 2003.

“Sixteen lang kasi ako noon. Hindi ko alam ang pinasok ko. Akala ko na madali lang siya.

“Noong una naisip kong mag-backout. Pero nandoon na rin lang ako, ituloy ko na. Kahit na nahirapan ako sa ibang mga challenges namin, pinagtiyagan ko talaga.

“Ang pinakamahirap ay ‘yung dancing challenge with Sir Douglas Nierras. Doon talaga namin naranasan ang masigawan at mapiga ng husto sa pagsayaw.

“In the end naman, okey ang lahat kasi marami kaming natu­tunan na hanggang ngayon ay ginagamit ko pa rin,” ngiti ni Jen.

Kaya naman nanalo si Jennylyn bilang kauna-unahang Ultimate Female Survivor ng Starstruck at hanggang ngayon ay siya pa rin ang masasabing pinakasikat sa mga naging produkto ng Starstruck.

This season ay uupo naman si Jennylyn bilang part na ng Starstruck Council kasama sina Joey de Leon at Regine Velasquez-Alcasid.

“Actually hindi ko alam kung paano sila i-judge. First time ko itong gagawin kaya good luck sa kanilang lahat.

“Advise ko lang, ipakita nila ang makakaya nila. Huwag silang susuko. Laban lang nang laban hanggang sa huli. Makikita nila na it’s all worth it,” pagtatapos pa ni Jennylyn na bida rin ng primetime teleseryeng My Faithful Husband.

Angelica at Buboy Villar, magaganda ang review sa filmfest sa Guam

Nakatanggap ng acting nominations sina Ange­lica Panganiban at Buboy Villar sa magaganap na 5th Guam International Film Festival on September 26 hanggang 30.

Nominated sina Angelica at Buboy sa Achievement in Acting category para sa mga pelikulang nilang That Thing Called Tadhana at Kid Kulafu.

Gumanap si Angelica bilang babaeng broken hearted sa That Thing Called Tadhana ni Direk Antoinette Jadaone. Co-star dito ni Angelica ay si JM de Guzman.

Nominated din ang naturang movie sa Best Narrative Feature.

Si Buboy naman ay ginampanan ang buhay ng isang batang Manny Pacquiao sa biopic na Kid Kulafu ni Direk Paul Soriano.

Mababasa ang reviews ng mga pelikulang ito sa official website ng Guam IFF.

Kim Kardashian binalandra ang famous cleavage bilang pasasalamat sa 45-M followers sa IG

Si Kim Kardashian-West na nga ang most followed person on Instagram.

Umabot na sa 45 million ang followers ng rea­lity star ng Keeping Up With The Kardashians.

Para i-celebrate ang kanyang pagkakaroon ng 45 million followers, nag-post ng kanyang selfie si Kim na kita ang kanyang famous cleavage.

“45 million Instagram followers!!!!! I love you guys!!!!! Besitos everyone!!!!! #45mil. Last selfie for the night. Thanks again for the instalove,” pag-caption pa ni Kim.

Kasalukuyang buntis ang 34-year old reality star at ini-expect nila ng kanyang husband na si Kanye West na isang boy ang pangalawang baby nila. Ang una nilang anak na si North ay 2-year old na.

Sumusunod nga kay Kim sa pinakamaraming followers on Instagram ay sina Taylor Swift with 44.8 million followers at Beyoncé with 44.6 million followers.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEST NARRATIVE FEATURE

BUBOY VILLAR

DIREK ANTOINETTE JADAONE

DIREK PAUL SORIANO

INSTAGRAM

JENNYLYN

KID KULAFU

MGA

THAT THING CALLED TADHANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with