Bumabawi? Vice Ganda nagpaulan ng datung sa madlang pipol!
Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapa-good vibes ni Vice Ganda sa It’s Showtime. Sa pagpasok ng September ay may bago siyang pasabog since ang buwan na ito ang naghuhudyat ng simula ng Christmas spirit.
Last Tuesday, unang araw ng Setyembre ay namigay na ng Christmas gifts si Vice sa 5 masuwerteng studio audience. Binigyan niya ang mga ito ng tig-25 thousand cash.
Aba, malaking bagay na rin ‘yun. Marami-rami na ring mabibili du’n, di ba naman?
Ilang sandali lang matapos ang pamimigay ni Vice ay nag-trending na agad ito sa Twitter with the hashtag na #PaskoNaBaSaShowtime.
Nag-no.2 ito sa trending worldwide at no.1 naman sa Pilipinas with matching katakut-takot na positive comments.
In fairness, sa ilang taong pagsasaere ng It’s Showtime, pinakamagandang segment na nagawa at naisip nila ang good vibes ni Vice Ganda dahil napakarami nitong napapasaya at natutulungang tao.
Samantala, ang isa pang bagong pasabog si Vice Ganda ay ang pag-grace niya sa cover ng September issue ng Mega Magazine nang naka-gown at may temang “Fashion Democracy”.
Ito ay bilang pagsuporta at pakikiisa na rin sa LGBT cause. Tatalakayin din sa magazine na ‘yun ang buhay ni Vice.
First time ito sa Asia na isang lalaki ay babaeng-babae ang kasuotan at may mahabang buhok. Kinunan ito sa Lavender fields ng Hokkaido, Japan.
Kris natakot na uling ma-high blood, 12 hours na lang magta-trabaho
Sa kanyang Instagram account ay sinabi ni Kris Aquino na napabayaan niya ang kanyang kalusugan dahil sa pagiging workaholic niya. Matatandaan kasing muntik na siyang ma-stroke last week dahil sa sobrang taas ng kanyang blood pressure na naging dahilan para maospital siya.
Kaya ngayon, talaga raw sinusunod niyang mabuti ang order ng doktor sa kanya.
“My hospitalization last week made me realize that my being a workaholic made me take my health for granted. I’ve faithfully obeyed my doctors, starting with sleeping at the right time, reducing my daily work load to a manageable 12 hours, having rest days, taking my medicines, and of course healthy eating.
“Ate Mel was able to buy my reduced fat butter & cheese, as well as my new favorite snack, The Daily Crave Veggie Sticks from @smmarkets.
“I need to take my BP 3X a day, and September is starting good because my blood pressure has normalized, even after a full day of work yesterday w/ travel to & from Subic for shooting #etiquetteformistresses.
“My reward today? I get to fulfill my promise to Bimb that on the 1st day that Gerbel leaves us, I’m going to be the 1 to pick him up from school & he & Kuya can have all of me for the rest of the day. (Thank you Lord that I had no scenes to shoot today.) God bless you all. I September..,” ang post ni Kris last Tuesday.
Regine naawa sa mga kasamahan sa SAS
Touching ang rason ni Regine Velasquez kung bakit hindi niya tinanggap ang Sunday PinaSaya. Dapat sana’y kasama siya nina Marian Rivera at AiAi delas Alas and the rest sa nasabing bagong noontime show pero nang eere na ito, biglang hindi na siya kasama.
Tinanggihan pala ng Asia’s Songbird ang show at ang rason niya, nahihiya siya sa ibang kasamahan niya sa tsinuging Sunday All Stars dahil siya lang ang nakasama sa bagong show.
“Kasi, ‘yung Sunday PinaSaya, kasali talaga ako originally. Kaya lang, parang I was kinda feeling bad naman na ako lang ang may trabaho. ‘Yung iba kong mga kasamahan, natsugi ‘yung ano,” say ni Regine.
Kaya, ang ending ay tinanggihan lang niya at naintindihan naman daw siya ng producer na si Mr. Tony Tuviera.
Pero aminado siyang excited siya at first dahil nga makakasama niya sina Marian at AiAi.
“I was supposed to take care of the musical part. But medyo nahihiya lang din ako sa mga naging kasama ko. Kumbaga, naging show ko rin naman ‘yon (Sunday All Stars). Nahihiya lang ako and they understand naman,” sabi pa ni Regine.
Kaya ang Starstruck na lang ang tinanggap niya kung saan ay isa siya sa councils na bagong experience sa kanya.
“Kasi, normally, ‘yung mga singing contest, usually, I’m hosting it, so it’s my first time to be a judge. So, it’s very exciting for me, I’m looking forward to see the kids,” she said.
Excited din daw siyang makatrabaho ang iba pang kasama sa Starstruck tulad nina Dingdong Dantes, Joey de Leon at Jennylyn Mercado.
Okay din daw ito for her since marami pa siyang oras para sa pamilya niya since ito lang ang show niya ngayon.
- Latest