Edgar Allan, Lagare King sa tambak na trabaho
Lagare King kung maituturing ngayon si Edgar Allan “EA” Guzman dahil sa rami ng kanyang mga proyekto.
Kasalukuyan siyang napapanood sa seryeng Doble Kara kung saan kasama niya sina Julia Montes at Anjo Damiles.
Bida rin si EA sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako, na base sa kantang pinasikat ni Michael Pangilinan. Si Joven Tan naman ang magdidirek ng nasabing pelikula since siya rin pala ang nagsulat nito.
Ang latest report pa nga, si EA rin daw ang leading man ni Alex Gonzaga sa upcoming Star Cinema movie nito na may tentative title na I’ll Never Get Over You.
“Parang reunion project namin ito ni Edgar,” pagbabahagi ni Alex. “Nagkatrabaho na kaming dalawa noong pareho pa kaming nasa TV5.
“Ganon pa man, eto ang first movie namin together.”
Lovelife ni Alex hanggang paramdam na lang?!
Tulad ni Edgar, may ginagawa ring series si Alex, ang episode ng Wansapanataym, I Heart Kuryente King, with Ejay Falcon sa ABS-CBN.
Alex is also a mainstay every sunday of ASAP Live.
Kapag lovelife naman ang pinag-uusapan, tulad ni Edgar ayaw niyang mag-comment.
“Bagama’t may ilang nagpaparamdam,” biro ni Alex.
Coleen sinuwerte sa ex
Suwerte ni Coleen Garcia dahil for the first time, Star Cinema is launching her in the movie, Ex with Benefits, with Derek Ramsay.
Ang Ex with Benefits ay ang comeback movie ni Derek sa Star Cinema matapos siya maging contract talent ng TV5.
Directed by Gino Santos, Ex with Benefits also stars Meg Imperial, who previously played the lead role in the series, Moon of Desire, of ABS-CBN.
For the first time, makakasama ni Tirso Cruz III, sa isang project ang kanyang pamangkin sa tunay na buhay, si Rayver Cruz sa Ex with Benefits.
Of Rayver, may special guest role rin siya sa high-rating series, Nathaniel, starring Shaina Magdayao, Gerald Anderson, Coney Reyes, Pokwang, and child actor, Marco Masa, who plays the title role.
Baka hindi na raw magkatrabaho Meg tinakot at binantaan muna bago naisipang magpapayat
Kung hindi pala naagapan ni Meg Imperial, baka nawalan na siya ng showbiz career.
Siya raw ang may kasalanan, pag-amin ni Meg dahil daw sa pagkabigo sa pag-ibig ay napabayaan niya ang kanyang sarili at du’n na nga siya nagsimulang manaba.
It was when Viva Films called her and warned her to shape up na, ayon kay Meg ay nagising siya. Warning kasi ng Viva Films, baka hindi na siya magkaroon ng projects.
Meg is grateful, kumbaga sa pagtulog nagising siya before it’s too late.
“Heto naging beneficial naman ang ginawa kong pag-excercise at workouts, I am with this important movie, Ex with Benefits.”
Ex with Benefits is showing on September 2 in theaters nationwide.
Mother Lily jackpot na naman sa pelikula?!
‘Pag nagkataon, malamang na maka-jackpot si Mother Lily with her soon to be released movie, PreNup, starring Sam Milby and Jennylyn Mercardo.
Directed by Jun Lana ang PreNup kung saan maraming eksena ang kinunan sa New York City, U.S.A.
This early, pinag-uusapan na ang pelikula at marami ang naghihintay na mapanuod ito.
“Wait nila ang kahit teaser ng PreNup,” sabi ni Mother Lily, sa himig na nagmamalaki. “Lalo silang nasasabik sa pelikula. Punung-puno ito ng kilig.”
Sam and Jennylyn make an ideal pair.
Claudine gagawing babysitter si Raymart habang busy sa kakaraket
Posibleng gumawa ng teleserye si Claudine Baretto pagkatapos ang kanyang ginagawang pelikula, ang Etiquette for Mistresses, with Kris Aquino, Iza Calzado, and Kim Chiu.
Sabi niya, at least daw ay nagkakamabutihan muli sila ni Raymart Santiago, bagamat hindi pa nagkakabalikan.
At least maihahabilin daw niya ang mga bata kay Raymart habang busy siya.
Aware daw si Claudine kung gaano kahirap ang magka-teleserye pero ngayon daw na lumalaki na ang mga bata, she and Raymart have to prepare for their future.
Si Sabina ay 10 years old na at seven naman si Santino, whom Claudine says, studies at Ateneo.
“Second Honor siya,” ang nagmamalaking saad ni Claudine. “Pati mga teachers niya congratulated me. Bukod daw sa matalino, mabait na bata raw si Santino.”
- Latest