Kailangan ng kape nang mahimasmasan: Ilusyanada at ambisyosang aktres feeling Hollywood star sa rami ng demands
Mukhang hindi na raw makatarungan ang mga hinihinging demands ng female celebrity na ito sa staff ng bagong show na gagawin nito.
Hollywood star daw ang pakiramdam ng ambisyosang female celebrity dahil sa binigay nitong listahan ng mga gusto niyang mangyari bago siya pumirma sa paggawa ng naturang show.
Natural na mag-react ng hindi maganda ang staff ng show dahil sa mga hinihingi ng female celebrity ay pati ang budget nila ay makakain.
Sana naman daw ay maging reasonable naman daw ang hingin ng mga artista dito sa atin. Huwag silang umastang ka-level nila sila Jennifer Lopez, Mariah Carey o si Beyoncé na may karapatan humingi ng kung anu-ano dahil milyones ang budget para sa kanila.
“Naku tantanan nga ako ng mga ilusyon nila! Napagbigyan lang minsan, aba gusto parati may ganyang demands?
“Bakit may naipasok na bang malaking pera ang babaeng ‘yan? Wala pa naman, ‘di ba?
“Kaya please, huwag silang abusado. Ang mainam ay lagyan siya ng coffee maker sa dressing room niya para makapagkape siya at kabahan naman sa mga ilusyon niya.
“Better yet, coffee beans ang ipangata sa kanya para magising siya ng husto sa katotohanan!” talak pa ng source namin.
Julie namahagi ng blessings sa mga estudyante
Isa na sa mga celebrity advocate ng international children’s charity na World Vision ang singer-actress na si Julie Anne San Jose.
Bukod sa pag-sponsor ni Julie sa pag-aaral ng ilang kabataan, nakipag-immerse pa ito kasama ang ilang mga students ng Catmon Elementary School sa Malabon City kamakailan.
Natutuwa si Julie dahil panay ang hingi ng advise ng mga nakasama niyang students kung paano magkaroon ng magandang boses tulad ng sa kanya.
“Sabi ko, just believe in yourself and importante sa lahat just sing from your heart,” ngiti pa ni Julie.
Marami ngang ipinapasalamat si Julie dahil sa magandang takbo ng kanyang career. Kaya tamang-tama lang daw ang pagdating ng World Vision para makapag-share siya ng kanyang blessings.
Thankful ang Kapuso singer-actress sa kanyang fans dahil parating nagte-trend sa social media ang afternoon teleserye nila na Buena Familia.
Mas maganda naman ang takbo ng kanyang singing career dahil ilalabas na rin ang second single niya mula sa kanyang Extended Play album na ni-record niya sa U.S. noong nakaraang summer.
Ito ay ang single na may titulong Not Impressed at ginawa ang music video nito sa San Francisco, California tulad ng nauna niyang single na Tidal Wave.
Magkakaroon ng big launch sa programang Sunday PinaSaya ang naturang music video na pinaghahandaan na ngayon pa lang ni Julie.
Taylor Swift natupad ang pangarap na maka-duet si John Legend
Pinalakpakan ng husto ang naging duet ni Taylor Swift with John Legend sa hit single nitong All Of Me.
Naganap ang naturang duet sa ika-apat na gabi ng 1989 Concert Tour ni Taylor sa Los Angeles Staples Center.
Hindi nga makapaniwala si Taylor na natupad na ang isa sa mga dreams niya na maka-duet si John Legend sa isang malaking venue.
“ALL OF ME. JOHN LEGEND. ALL THE FEELS,” pag-post pa ni Taylor sa kanyang Instagram account pagkatapos ng kanyang duet with Legend.
Nag-post din agad sa Instagram ang supermodel wife ni Legend na si Chrissy Teigen.
“All of me loves all of T! @taylorswift @johnlegend”
Very special ang awiting All Of Me kay Teigen dahil sinulat iyon ni Legend bilang wedding song nila.
Bukod nga kay John Legend, nag-perform din si Taylor kasama ang singer na si Beck at St. Vincent.
“DUDE. What a f--king show. St. Vincent casually slaying that guitar solo while pyro goes off in the background. Beck and I having a dance party. I don’t know how to process any of the events of tonight,” pag-post pa ni Taylor sa social media.
Naging special guests din ni Taylor sa concert ay ang singers na sina Mary J. Blige at Alanis Morissette at ang TV comedians na sina Matt LeBlanc at Ellen DeGeneres.
- Latest