^

Pang Movies

Juday nag-aalala na sa sakit ni Sharon

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Five months pregnant na si Judy Ann Santos at napaka-blooming ng aktres. Kaya ang hula ng madami, babae ang kasalukuya niyang ipinagbubuntis.

Siyanga pala. Judy Ann’s book sells P595 pesos at the National bookstore. Contained in the cookbook are 44 recipes, na ayon kay Juday, ay pawang paborito niyang lutuin.

Juday is a graduate of culinary arts at the Center for Asian Culinary Studies in San Juan.

Speaking of Judy Ann, Sharon Cuneta remains one of her closes friends to date.

Ang pagiging close nilang dalawa ay nagsimula nu’ng 2002, nang magkasama sila sa drama film na Magkapatid.

No wonder kung bakit worried si Juday sa balitang may sakit si Sharon, at hindi matiyak kung anong klaseng sakit mayroon ito.

Marami tuloy ang nagtatanong kung muli bang gaganap bilang isa sa mga judges ng malapit ng simulan na second season ng celebrity singing and impersonation contest, ang Your Face Sounds Familiar.

Fellow in judges ni Sharon sa nasabing contest sina Jed Madela at Gary Valenciano.

Negosyo ni Cherry Pie lumalakas na

Marami-rami na rin ang nakakaalam na si Cherry Pie Picache ay may pinatatakbong restaurant business, ang Alab na located scout Rallos, Quezon city.

Filipino restaurant ang pag-aari ni Cherry Pie, “Kaya lahat ng aming pagkaing sini-serve ay pagkaing Filipino” pagbabahagi pa ng aktres.

Kasalukuyang busy si Cherry Pie sa pag-arte sa On the Wings of Love kung saan tampok sina James Reid at Nadine Lustre.

Showbiz biglang inisnab Gretchen ginagwardyahan ang anak sa London

Hindi na masyadong umaapir sa showbiz si Gretchen Baretto.

Obviously mas madalas nga­yon si Gretchen sa London kung saan ang only daughter  nila ni Tony Boy Cojuangco na si Dominique ay kasalukuyang nag-aaral sa isang  British School.

Dominique is reportedly taking up a course in fashion designing in a fashion academy in London.

Noong medyo bata pa si Dominique, type niyang sundan ang footsteps ng kanyang mommy at mga pinsan, tulad ni Julia Barreto.

Carlo walang kupas ang pag-arte!

Ang galing pa ring umarte ni Carlo Aquino. Hugot kung hugot ang mga dialogue at emotion niya sa mga huling eksena nila ni Jolina Magdangal na ginanap sa isang beach sa kanilang seryeng Flordeliza.

As we all know, mga huling eksena nila ang mga iyon na magkasama sila ni Jolina dahil supposedly ay mamamatay na si Jolina.

Like Angelica Panganiban at Camille Prats, nagsimula si Carlo bilang child star sa ABS-CBN.

Tulad ni Carlo, magagaling na ring umarte sina Angelica at Camille. But of course, the best pa rin si Carlo.

Well Carlo, keep up the good work.

vuukle comment

ANG

ASIAN CULINARY STUDIES

BRITISH SCHOOL

CAMILLE PRATS

CARLO AQUINO

CHERRY PIE

CHERRY PIE PICACHE

GARY VALENCIANO

GRETCHEN

GRETCHEN BARETTO

JUDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with