^

Pang Movies

Marian muntik paiyakin na parang sanggol si Megan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napaiyak si Megan Young nang mag-guest sila ni Tom Rodriguez sa Sunday PinaSaya (SPS) para mag-promote ng new drama series niya sa GMA 7, ang MariMar. After nilang mag-perform at mag-imbita sa audience at televiewers sa pagsisimula ng remake ng Mexicanovela, ang nag-present ng bouquet of flowers sa kanya ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Siya rin ang unang nag-remake ng MariMar. Sinabi ni Marian na ang MariMar ay minahal ng mga tao kaya ipinagkakatiwala niya kay Megan na patuloy na mamahalin ng mga manonood ito.

Nag-post agad si Megan sa kanyang Instagram (IG) account ng “Thank you so much Ate Yan @therealmarian for the kind gesture. I am trying to hide my crying face (kasi mukha akong baby ‘pag umiiyak hahaha!) You are truly a woman beautiful inside and out. I will always keep in mind our little convo right before we got off the stage hehe! Love you and congrats to you and Kuya Dong (Dingdong Dantes) with your baby. #surprisesurprise #nakakaiyak #tumangblingako #starstruck #Marimar2015.

Mamayang gabi na nga, pagkatapos ng 24 Oras ang pilot episode ng MariMar na tampok sina Alice Dixon at Zoren Legaspi, ang tunay na magulang ni Bella/Marimar, Ina Raymundo, Nova Villa, Tommy Abuel.

Aahon na ba si MariMar sa dagat mamaya?

Buong pangalan ng baby nina Marian at Dingdong ibubunyag sa baby shower

Nasa ikapitong buwan na ng pregnancy niya si Marian Rivera pero bukod sa lalong gumaganda, wala pa rin siyang tigil mag-guest sa mga TV show, bukod sa regular show niya ngayong Sunday PinaSaya. Hindi pa ba siya nahihirapan sa pagtatrabaho?

Ayon kay Yan, mas gusto raw ng kanyang OB Gyne na kilos siya nang kilos, dahil gusto niya na maging normal ang delivery niya kay Baby Maria. Pero bago raw naman siya tumanggap ng ibang guest roles ipinaaalam niya sa doctor niya at kay Dingdong, tulad noong nag-cameo role siya sa final episode ng Pari ‘Koy last Friday na sa Tanay, Rizal pa sila nag-taping - sa maputik na daan sa isang lugar dito.

Ngayong two months na lamang ang hihintayin sa pagsisilang ni Marian, marami na ang nagtatanong kung kailan niya gagawin ang baby shower at kailan nila ipaaalam ang buong pangalan ni Baby Maria. Sa totoo lang, sa pagmamahal ni Marian sa fans niya, noong Thanksgiving Mass sa kanyang birthday, sinabi niya ang buong name and nickname ni Baby Maria, sa pakiusap sa kanila at sa ilang entertainment press na naroon na huwag nilang sabihin o isulat ang buong pangalan ng baby nila ay tumupad naman sila. Walang nasulat o kumalat na balita ng buong name ni Baby Maria.

“Malapit na, this September. Isasabay na namin sa baby shower, para si Dong na rin ang magsasabi ng buo niyang pangalan.”

Wala pang definite date na sinabi si Marian ng baby shower, pero malamang pagbalik na ni Dingdong saka iyon gagawin. Aaalis si Dingdong sa September 1 para sa 10th Anniversary ng GMA Pinoy TV sa New York. Dapat ay sila ni Dingdong ang magkasama sa show pero dahil nga sa pagbubuntis niya, si AiAi delas Alas ang makakasama ni Dingdong, with Christian Bautista, Jonalyn Viray, Betong Sumaya, at Julie Anne San Jose. The show will be directed by Mark Reyes at sa September 8 ang balik nila sa bansa.

 

vuukle comment

ALICE DIXON

ANG

ATE YAN

BABY

BABY MARIA

BETONG SUMAYA

CHRISTIAN BAUTISTA

DINGDONG

MARIAN RIVERA

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with