^

Pang Movies

Marian panay ang treadmill!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi mapigilan ni Marian Rivera ang sarili na bumili ng baby dress lalo na raw kapag nakakakita siya ng maliliit at cute na mga damit.

Sa September pa raw sana balak mamili ni Marian kasama ang asawang si Dingdong Dantes, pero dahil mahirap daw biglain ang pagbili, paunti-unti nalang nag-iipon si Ma­rian ng mga gamit ng kanilang baby.

Six months na ang tiyan ni Marian na nararamdaman na ang pagbigat ng kanyang baby at nararamdaman na rin niyang umaalon ang kanyang tiyan.

Malikot daw ang baby nila sa loob ng tiyan ni Marian kapag kinakausap ni Ding­dong. Kinakantahan at bumibirit naman si Marian ng mga kanta ng Aegis ang kanilang baby, pero minsan ay mga fast or slow music ang ipinaririnig niya sa little Marian nilang mag-asawa.

Naka-schedule na rin ang planong seminar ni Marian kung paano magpa-breastfeed. Gusto raw niyang ma-enjoy ang pagpapadede sa baby nila ni Dong. Kahit hanggang kaya raw ay magpapadede siya sa baby girl nila. Wala naman daw imposible dahil kahit ngayong buntis siya ay hindi siya pinagbabawalan ng doctor niya na gawin lahat ng gusto niya. Lahat daw ay ipinagagawa sa kanya ng doktor na pati ang pag-eexercise sa treadmill na siyang ginagawa naman ng aktres kaya naman pala kahit 6 months na ang tiyan niya ay nagagawa pa rin niyang magsasasayaw sa Sunday PinaSaya show ng Kapuso Network.

Kaya sobrang blessed at masaya si Marian dahil healthy ang kanyang pagbubuntis na ipinagpapasalamat nila ni Dingdong. Ang hindi lang daw niya magawa ay magsuot ng heels na bawal na bawal sa mga buntis.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABY

DINGDONG DANTES

KAHIT

KAPUSO NETWORK

KAYA

KINAKANTAHAN

MARIAN

MARIAN RIVERA

SA SEPTEMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with