^

Pang Movies

Marian todo sayaw pa rin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakakaloka si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na pumasok sa opening number ng Sunday PinaSaya na sumasayaw at naglakad nang malayo papasok sa stage ng Studio 7 ng GMA 7. So, mali ang sabi ng iba na ano raw ang magagawa ng isang almost 7 months preggy sa isang comedy variety show kundi ang magpa-cute lamang, dahil marami siyang ginawa sa dalawang oras ng show na gusto lamang magpasaya sa mga manonood sa loob ng studio at sa mga televiewer. Kasama niya rito ang mga co-host na sina AiAi delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, at Joey Paras.

Ano’ng sey mo, Ellen Adarna?! Yaya Dub gagawing muse ng Barangay Ginebra!

Naku, si Yaya Dub ang ipinaglalaban ng fans ng Barangay Ginebra na maging muse ng team sa pagbubukas ng 41st PBA season sa October. Si Yaya Dub (Maine Mendoza) ang kalahati ng AlDub tandem nila ni Alden Richards sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Pero hindi raw ganoon kadali iyon, ayon sa management ng Kings, ang SMC marketing department daw ang nagdedesisyon sa ganoong bagay. Madalas daw kung sino ang calendar girl ng Ginebra, iyon ang nagiging muse ng basketball team. Kung hindi kami nagkakamali, ang 2015 Ginebra Calendar Girl ay si Ellen Adarna.

Kaya ipararating daw ni Robert Non, San Miguel Beer board of governor representative kay Alfrancis Chua (Ginebra alternate board of governor) ang kahilingang iyon ng fans ng SMC.

Mukhang kahit si Mr. Chua na executive ng Ginebra team, at sports director ng SMC, ay gusto rin si Yaya Dub at ipu-push daw niya na maging muse ng Barangay Ginebra San Miguel si Yaya Dub for the opening ceremonies ng PBA.

“Mga kabarangay, sinusubukan nating ibigay ang idea sa marketing para makuha natin si Yaya Dub, na maging muse ng Ginebra,” pahayag daw ni Mr. Chua.

Wala na kaming masabi kay Yaya Dub, hindi lamang mga movie at TV fans ang may gusto sa kanya, mga basketball fans na rin. Hintayin natin kung ano ang magiging desisyon ng San Miguel Corporation marketing sa pakiusap ng kanilang mga fans.

Mga pasok sa StarStruck VI, ipasisilip na!

In-announce na ni Joey de Leon na sa Thursday, August 20, ipasisilip na sa Eat Bulaga ang contestants ng reality-based artista search na StarStruck VI bago ang formal launch sa kanila sa September 2015.  Balitang marami ang mga anak ng celebrities ang nag-join sa audition, sinu-sino kaya sa mga anak nina Selina Sevilla, Nadia Montenegro, Myra Manibog, Monica Herrera at Jeric Raval, Edwin Reyes, Dennis Roldan, at Malu Barry ang pinalad na makapasok sa show?

Starstruck VI will be hosted by Dingdong Dantes at 2013 Miss World Megan Young.

Nakakatuwa na si Dingdong na ang nag-host ng 1st batch ng StarStruck na sinalihan ni Megan at isa siya sa avengers.

Megan is also doing Mari Mar at co-host niya ang unang gumanap na Sergio sa remake ng Mexicanovela.

Hindi pa sinasabi kung sinu-sino ang judges ng StarStruck VI pero isa na sa kanila si Joey de Leon na naging abala na sa plug shoot pa lamang ng show last week.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALFRANCIS CHUA

ANG

BARANGAY GINEBRA

EAT BULAGA

ELLEN ADARNA

GINEBRA

MGA

MR. CHUA

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with