Vice Ganda nakahanap ng katapat!
MANILA, Philippines – Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon lang nagkaroon ng bagong reyna ang GMA-7 na talagang inabangan sa Eat Bulaga tuwing tanghalian, walang iba kundi si Yaya Dub o Maine Mendoza sa totoong buhay.
Maging mga OFW ay kilala si Yaya Dub at naging paborito nila.
Mistulang sumasanib naman sina Babalu at Bella Flores kay Wally Bayola kapag umaarte sa tanghalian.
At si Alden Richards naman na dating gwapo lang sa paningin ng mga tagahanga ay biglang sikat simula nang ipareha kay Yaya Dub.
Magandang combination silang dalawa. Fresh na fresh. Ang maganda kay Yaya Dub, hindi umaakyat ang hangin sa kanyang ulo as in, totoong tao at hindi apektado ng kasikatan ngayon.
Si Yaya Dub lang pala ang magiging katapat ni Vice Ganda ng It’s Showtime.
Gerald sumugod sa screening ng pelikula ng kapatid
Mabait na kapatid talaga si Gerald Anderson, alam n’yo bang kahit busy siya ay sumunod pa siya sa SM Aura, para manood ng pelikulang Mandirigma directed by Arlyn dela Cruz, dahil kabilang sa pelikula ang kanyang utol na si Ken Anderson. Suportado daw niya ang kanyang utol na hilig din ang pag-arte.
Bida sa naturang movie sina Luis Alandy, Inah Feleo at Mon Confiado at iba pa.
Lovely, sinigawan ng walang takot si Ping!
Wala pa rin kupas ang beauty at galing sa pag-arte si Lovely Rivero sa teleseryeng Beautiful Strangers. Tinilian niya ng katakut-takot si Ping Medina, nang muli silang magkita dahil iniwan siya nito noong araw. Si Lovely ay malimit naming makasama sa mga Santa Cruzan noong araw bilang Reyna Elena. Ngayon mapapansing medyo lumaki si Lovely.
Jeric Naval matikas pa rin ang tindig
May movie si Jeric Naval, ang Police Manila na sinu-shooting niya ngayon under the direction of William Mayo. Matikas pa rin ang tindig ni Jeric, tipong palaban at may ibubuga. Kulang tayo sa action picture, kaya dapat tangkilikin natin ang pelikula ni Jeric.
Personal..
Get well soon Ethel Ramos. Kaya mo yan, ikaw pa!
- Latest