^

Pang Movies

Richard napanganga sa sobrang halikan nila ni Bea

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Nagmukang groovy at bata si Richard Gomez mula nang i-proclaimed na blockbuster hit ang kasalukuyang ipinalalabas na pelikula nila Dawn Zulueta at Bea Alonzo, ang The Love Affair.

Sabi ni Richard, hindi raw sikreto ang pagiging magaling na aktres ni Dawn. Pero pagdating kay Bea, talaga raw na napahanga siya nito at hindi raw niya lubos akalain na napakagaling na aktres pala nito. Halimbawa sa kanilang kissing scene, okay kay Bea na maging torrid na torrid ito at bigay na bigay. Ang natatawang sabi naman ni Richard, wala raw siyang choice kundi gawin ito. Napatunayan na iyon ang pinaka-exciting na eksena sa pelikula.

Direk Nuel Naval who considers, The Love Affair, his directorial debut, said he is lucky na ang mga stars niya ay sina Dawn, Richard at Bea.

“They were cooperative and very giving in fact may mga pagkakataon na sila mismo ang nagsa-suggest how one particular scene should be shot” sabi ni Direk Nuel Naval.

Pagkatapos naman ng The Love Affair, gagawa na ng serye sina Richard at Dawn, ang You’re My Home.

Si Bea naman ay may gagawing serye din with John Lloyd Cruz.

Batikang aktres na si Liza Lorena, nagkasakit kaya nawala sa eksena

Bidang bida si Manila Mayor Joseph Estrada sa katatapos na get-together which Manay Inchu Maceda organized at The Sampaguita Gardens recently.

Naging reunion din ito ng mga artistang naka-sabayan ni Mayor Erap noong aktibo pa siya sa showbiz.

Ilan sa mga namataang beteranong mga artista ay sina Barbara Perez and Robert Arevalo, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama, Delia Razon, Celia Rodriguez, Daisy Romualdez, Luz Valdez, Gloria Sevilla, Gloria Romero and Boots Anson Roa, who came with husband King Rodrigo. Dumating din si Liza Lorena na ang tagal ding hindi napanood sa pelikula o series. Ang nangyari pala, nagkasakit siya pero hindi na in-specify ni Liza kung ano exactly ang kanyang naging sakit.

Pinili naman ni Mayor Erap na ‘wag munang ipahayag ang kanyang mamanukin sa 2016 elections.

Hindi naman namataan ng kahit sino sa mga guest na dumalo ang mag-inang Susan Roces at Senator Grace Poe.

Brian ginive up na ang trabaho para sa inang si Grace

Speaking of Senator Grace, tiniyak na ng kanyang panganay na si Brian Llamanzares na tatakbo for a higher office ang kanyang ina. Pero hindi pa rin niya ito in-specify kung tatakbo ba ang kanyang ina bilang Presidente o Bise Presidente.

Ayon kay Brian na graduate ng Ateneo de Manila, ito raw ang dahilan kung bakit nag-resign muna siya bilang CNN reporter.

Pamilyar si Brian sa mga taga-showbiz hindi lang dahil anak siya ni Senator Grace at apo ni Susan Roces and the late FPJ, kung hindi dahil ex-boyfriend siya ng isa sa mga Star Magic Angels na si Myrtle Sarrosa.

Sandy balik na sa normal

How nice na muling mapanood in the small scene si Sandy Andolong who, four months ay na-ospital dahil na-operahan.

But last night, balik na siya sa Home Sweetie Home bilang nanay ni Toni Gonzaga and she looks not just younger but prettier.

Eh, si Rico J. kaya, kailan naman babalik sa Home Sweetie Home?

Si Rico ay nag-undergo sa triple bypass surgery nang atakihin siya sa puso.

Last Saturday sa Home Sweetie Home, guests sina Aiko Climaco at Boom Laruza of Banana Split Extra Scoop.

vuukle comment

ANG

BEA

DIREK NUEL NAVAL

HINDI

HOME SWEETIE HOME

LIZA LORENA

LOVE AFFAIR

MAYOR ERAP

MGA

SIYA

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with