^

Pang Movies

Megan muntik malunod!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaabang-abang na nga ang bagong MariMar ng GMA-7 at ayon pa sa bida na si Miss World 2013 Megan Young, ibang-iba raw ito sa naunang MariMar na pinagbidahan noon ni Marian Rivera.

Isang pearl diver na si MariMar sa bagong version ng teleserye at makikilala niya si Sergio Santibañez na ginagampanan ni Tom Rodriguez sa isang beach resort kung saan nagbebenta siya ng kanyang mga nasisid na perlas.

Nag-training pa si Megan sa isang expert underwater diving instructor.

Inamin ng actress-turned-beauty queen na takot siya sa open water. Pero inalis daw niya ang takot niyang iyon para sa MariMar.

Kahit na muntik na siyang malunod sa isang training niya, hindi raw iyon nagpatigil sa kanya na ma-perfect ang kanyang pagsisid sa ilalim ng dagat.

Bukod sa diving ay um-attend si Megan ng acting workshops para mas mahasa ang kaalaman niya sa pag-arte.

Since nanalo raw siya as Miss World in 2013, hindi na raw siya ulit nakaarte sa TV. Huli pa raw niyang teleserye ay ang Misibis Bay ng TV5.

Ikinatutuwa naman niya na ang gaganap bilang ang kontrabida na si Angelika Santibañez sa MariMar ay ang kanyang kapatid na si Lauren Young.

Sobrang bilib si Megan kay Lauren bilang isang aktres, kaya alam niyang magagampanan nito ng buong-husay ang papel na Angelika.

“Si Lauren, sobrang talented niyan. She’s a really great actress.

 “Hindi ko alam kung may balak ba siyang sabunutan ako, kung may balak ba siyang sampalin ako at itulak sa putik. She’s full of surprises,” ngiti pa niya.

Hiling daw ng director nila sa MariMar na si Dominic Zapata na paniwalain nila Megan at Tom ang televiewers na nag-iibigan silang dalawa bilang sina MariMar at Sergio.

 “Kami ni Tom, sisiguraduhin namin na pagdating kay MariMar at Sergio, sila talaga, in love na in love sila. Makikita ninyo na in love na in love sila.”

Kasalukuyang romantically linked si Tom kay Carla Abellana, samantalang si Megan ay matagal nang nababalitang karelasyon si Mikael Daez.

Produ ng movie ni Robin at Maria, umayaw na rin

Pagkatapos i-announce ni Robin Padilla ang kanyang pag-atras sa action-horror film na Nilalang, ang isa sa financier ng naturang project ay nag-backout na rin.

Isa sa mga napiling official entries para sa Metro Manila Film Festival 2015 ang Nilalang kung saan makakapareha sana ni Robin ang Japanese porn actress na si Maria Ozawa.

Pero dahil sa personal na rason ni Robin sa pag-backout sa project, naging dahilan din ito nang pag-withdraw ng pinakamala­king investor sa project, ang MFT Group.

Tinawag pang “unprofessional” si Robin ni Ozawa dahil sa pag-atras nito sa project kung kelan ten days na lang ay mag-shooting na sila. 

Ayon sa official statement na pinadala sa media ng publicist na si Joyce Ramirez, hindi na raw ipina-finance ng MFT Group ang project na ipo-produce ng Haunted Tower Pictures.

Heto ang nilalaman ng statement: “Given the pro­posed working budget for the film, the non-participation of Mr. Padilla means that MFT (being the main funding partner of Haunted Tower Pictures) no longer believes that the project has a bankable actor as its lead and the absence of [an] immediate alternative means that the production will be delayed to an extent that ‘Nilalang’ will not be released in time for the 2015 Metro Manila Film Festival.”

Kung hindi raw matuloy ang project, malamang na ibigay ang slot ng Nilalang sa isa sa dalawang pelikula na naka-reserve.

Ito ay ang Conman ni Direk Erik Matti na bida si John Lloyd Cruz at ang Lakambini ni Direk Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil na pinagbibidahan ni Lovi Poe.

Hollywood couple na sina Chris Pratt at Anna Faris, ayaw makiuso sa divorce

Nauuso ngayon ang divorce sa Hollywood. Ilang celebrity couples na ang biglang naghihiwalay at isa sa pinangangambahan na mag-part ways ay ang mag-asawang Chris Pratt at Anna Faris.

May reports kasi na nagiging unfaithful na ang star ng Jurassic World na si Chris sa kanyang comedienne wife.

Kahit raw walang basehan ang kumalat na pagiging unfaithful ni Chris, hindi rin maiwasan na maapektuhan si Anna.

Nagpapasalamat na lang ang bida ng comedy series na Mom na committed ang kanyang mister sa pinanghawakan nitong family values.

“That stung a little bit harder than I thought it would. But I am very lucky that I am with a man who values family.”

Kinasal noong 2009 sina Chris at Anna pagkatapos nilang magsama sa pelikulang Take Me Home Tonight in 2007. May isang anak sila named Jack.

Hindi rin nagpapabaya si Chris sa relasyon nila ni Anna kahit na busy siyang gumagawa ng pelikula sa kung saan saang lugar sa mundo.

“These are the work years. The gravy years are to come.

“The way we work it out is we just take at least one moment every day to be present with one another.

“Whether or not we’re in the same room, or the same state, or even the same country, we check in, you know?

“We’re so lucky that we have the same sense of humor. We dream about having a little bit of a farm one day.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNA FARIS

CHRIS

CHRIS PRATT

HAUNTED TOWER PICTURES

MARIMAR

MEGAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NILALANG

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with