^

Pang Movies

Erik nagsalita na sa ‘kabaklaan’, Angeline walang kaalam-alam!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Aware pala si Erik Santos na usap-usapan na siya ay isang bakla. But as he said: higit kanino man siya ang nakakaalam kung ano ang kanyang gender.

Kaya naman natanong si Angeline Quinto kung totoo ang balita na bakla si Erik, ang mabilis na sagot niya, “I believe him. He is my best friend. Para sa akin, siya na ang pinaka-gentle and kind na pwedeng maging kaibigang-lalaki.”

May concert sina Erik at Angeline na gaganapin sa Araneta Coliseum sa August 15, 8p.m

Special guests naman sina Regine Velasquez at Martin Nievera.

Kim at Xian opisyal nang mag-on!

Officially mag-on na pala sina Kim Chiu at Xian Lim. Labis na nababaitan daw si Kim kay Xian. Bukod sa mabait daw na anak si Xian, mabait din siyang kaibigan at katrabaho.

Ilang ulit na rin nagtambal sa pelikula at TV series ang dalawa na pawang successful.

Malapit ng ipalabas ang pelikula nila for the ABS-CBN mobile. May gagawin silang series after their current respective commitments are completed.  Kasama sina Angel Locsin at Governor Vilma Santos ni Xian and with Joyce Bernal directing sa pelikulang ginagawa ng aktor.  Tinatapos naman ni Kim ang Etiquette For Mistresses where she co-stars naman sina Kris Aquino, Claudine Baretto at Iza Calzado, directed by Chito Roño.  Also in Etiquette... is Edu Manzano.

Mar kinukuha ang loob ng mga bakla at tomboy?

Speaking of Martin, did we hear it right that he wrote and composed a song dedicated to the LGTB community?

Ayon sa statistics, ang bilang ng LGBT ay tumaas na. At marami sa kanila, mga botante.

Totoo kayang ang most-likely magiging favorite candidate nila for President ay si Mar Roxas in the 2016 elections?

Nagtatanong lang po.

Baron minamani ang pagiging demonyo

Tumino lang talaga itong si Baron Geisler, tiyak nang siya ang magmamana ng trono ni Eddie Garcia bilang pinaka-top at effective kontrabida sa showbiz.  Parang minamani lang ni Baron ang kanyang role bilang devil in disguise sa current series niyang Nathaniel.

Tumigil na kaya siya sa sobrang pag-inom ng alak?

Inamin ni Baron noon sa isang interview na alcoholic siya at his age.  Mga less than 30 years old lamang si Baron.  For a time nag-retire siya for alcoholism.

Melissa ayaw pakasal, gusto uling makasama si Jake

Now a mother to a nearly one year old baby, Melissa Ricks is eager to work again. She wants to get paired with her former boyfriend, Jake Cuenca, in a project, either a movie or a TV series.

Bagamat devoted mom at partner siya, hindi pa raw siya sigurado magpakasal. Her partner, Charles Togesaki, is only waiting for her to give him the go signal na ready na siyang magpakasal.

Sa kasalukuyan, may pinagkakaabalahan si Me­lissa. Isang project ng ABS-CBN, sa pangunguna ng Digital Media Devision na pinamumunuan ni D­onald Lim, sakop ng network and iba’t ibang tema:  toys, fashion, comedy, music, lifestyle and o­thers.  Sana ma-assign si Melissa tungkol sa young parenting.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

ANGELINE QUINTO

ARANETA COLISEUM

BARON GEISLER

CHARLES TOGESAKI

NBSP

SIYA

STRONG

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with