^

Pang Movies

Marian mas piniling magpa-misa kesa mag-baby shower

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy birthday today, August 12, sa pinakamaganda at masayahing buntis ng showbiz ngayon, si Marian Rivera-Dantes at tiyak na nagri-relax na siya ngayon sa piling ng husband niyang si Dingdong Dantes sa isang out-of-town birthday celebration.

Ang Holy Mass ay ginanap sa Makati Sports Club, handog ng mga DongYan fans officiated by Fr. Sonny Merida na dinaluhan din ng Mama Amy at Lola Iska ni Marian at ng mother-in-law niyang si Mommy Angeline dahil may ta­ping si Dingdong ng Pari ‘Koy.

Pagkatapos ng program na inihanda ng mga fans, nagsalita si Marian.

“Actually, n­a­ng lu­ma­pit sila sa akin kung pwedeng magkaroon ng baby shower sa birthday ko, sabi ko, huwag na lang baby shower, magkaroon na lamang kami ng Holy Mass bilang pasasalamat sa birthday ko at sa magiging baby namin ni Dong, at pasasalamat din sa walang sawa nilang pagsuporta sa amin simula pa nang magtambal kami ng asawa ko,” kuwento ni Marian.

“Gusto kong magpasalamat dahil alam naming marami rin kaming pinagdaanan na magkakasama.  Salamat dahil lahat ng hiniling ninyo para sa amin ni Dong, natupad.  Hiniling ninyo sa Diyos na magkatuluyan kami ni Dong, natupad, gusto ninyo magka-baby kami ni Dong, after one month and a half, binigyan kami ng baby at ngayon almost seven months na si Baby Maria sa tiyan ko at by November, makikita na natin siya.

“Salamat din sa pagtatanggol ninyo sa akin, oo, nasasaktan din ako pero ayaw kong sumagot, gusto ko positive lamang ang lahat at masaya ako para sa baby namin.  Nakatutuwa na kahit si Dong nagsalita na rin, alam naman nating tahimik lamang siya, pero ayaw niya nang nasasaktan ako.  Salamat sa inyo, minsan naitatanong namin ano ba kami sa buhay ninyo, para bigyan ninyo kami ng ganitong pagpapahalaga.  Kaya naman, mahal namin kayo, hindi ko man matandaan lahat ng mga pangalan ninyo, alam ko kung sino ang fans namin dahil natatandaan ko ang mga mukha ninyo.  Mayroon akong pinost sa Instagram ko (@therealmarian), dahil ayaw kong sabihin sa inyo nang personal, maiiyak lamang ako, kaya basahin na lamang ninyo.  Maraming salamat sa pagiging mabuti ninyo sa amin at palagi ninyong tatandaan, mahal na mahal rin namin kayo.”

Dawn ibinuko kung bakit ok pa sila ni Goma

Masusubukan muli ang lakas ng love team nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa bago nilang movie na The Love Affair mula sa Star Cinema na opening na today in cinemas nationwide.  Sa kabila kasi ng kung ilang taon na nilang magka-love team, kahit may kani-kaniya na silang pamilya, gustung-gusto pa rin sila ng kanilang mga fans.  At ngayon, ka-love triangle pa nila ang mahusay na actress na si Bea Alonzo. Natanong nga si Dawn kung ano ang sikreto kung bakit patuloy silang tinatangkilik ng mga fans nila, siguro raw, dahil naging tapat naman sila ni Richard sa tunay nilang kalagayan at hindi nawala ang friendship sa pagitan nila.

Hindi rin sila nagkaroon ng intriga dahil parehong tinanggap ng mga asawa nila na they are only doing their parts sa mga eksena sa movie o teleserye na ginagawa nila.  In fact after the showing of their movie, magsisimula na silang mag-taping ng bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG HOLY MASS

BABY

BABY MARIA

BEA ALONZO

DAHIL

DAWN ZULUETA

MGA

NBSP

NINYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with