^

Pang Movies

Lovi at Heart ayaw patulan ang pang-iintriga sa kanila

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang pag-aalala ng ilang fans nina Lovi Poe at Heart Evangelista na baka maapektuhan ang kanilang pagkakaibigan dahil sa teleserye nilang Beautiful Strangers na magpa-pilot telecast na mamayang gabi sa GMA 7. May ibang mga pilit na nang-iintriga kasi sa magkaibigan.

Unang intriga na nga ay ang title ng kanilang te­sleserye na noong una ay Beautiful Stranger lang, pero ginawang Beautiful Strangers. Pinagdududahan na may isang nagreklamo sa title na ‘yon kaya ginawang plural ang stranger.

Pero kahit may mga nang-iintriga, kapwa ayaw patulan nina Lovi at Heart ang bagay na ‘yon. Para sa mag-BFF (best friends forever), non-issue ang tungkol sa pagbabago ng title ng kanilang teleserye at sinabi pang ang importante ay magkasama sila roon.

Sabi nga ni Lovi, mas masayang katrabaho na kasama niya si Heart dahil magkaiba sila at excited siyang mag-report sa set ng Beautiful Strangers kapag sila ang magka-eksena.

Anyway, mukhang makakatulong ang Beautiful Strangers para makaangat ang ratings ng primetime block ng Kapuso network.

Sarah welcome na welcome sa ASAP

Sobrang happy ang fans ni Sarah Lahbati nang mapanood siya kahapon sa ASAP. Under Viva Artists Management na si Sarah at freelancer pa siya sa ngayon. Maraming fans na nagre-request na maging regular na si Sarah sa ASAP. Ang request pa ng fans, sana makita raw silang mag-duet ni Richard Gutierrez sa ASAP.

Nang makatsikahan ko kahapon si Sarah after ng guesting niya sa ASAP, nagpahayag siyang maganda ang treatment sa kanya ng mga taga-ABS-CBN at masaya siya sa paggi-guest sa show na ‘yon. Masaya rin daw siya sa positive feedback sa pag-appear niya kahapon sa ASAP.

Anyway, sa ngayon, regular namang napapanood sina Richard at Sarah sa It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! Mamayang 9:00PM ang third episode ng kanilang third season at marami pang ibang celebrities na may appearances sa nasabing reality TV series ng pamilya Gutierrez.

Pinagbigyan kasi Martin pinagod ng fans!

Nasa Robinson Magnolia si Martin Nievera kahapon. Para sa promotions ni Martin sa album niya under Polyeast Records ang mini concert niya sa nasabing mall. Sobrang natuwa si Martin sa magandang feedback ng fans.

Siyempre pa, pinagbigyan ni Martin ang fans na panay ang sigaw ng “More! More!’ kaya dinagdagan pa niya ang kanyang mga kinanta.

vuukle comment

ANG

BEAUTIFUL STRANGER

BEAUTIFUL STRANGERS

FANS

HEART EVANGELISTA

IT TAKES GUTZ

LOVI

LOVI POE

MARTIN NIEVERA

NASA ROBINSON MAGNOLIA

POLYEAST RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with