^

Pang Movies

Nora nagpaulan ng pera!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa man nagaganap, maraming Noranian na ang nagbubunyi sa nabalitang lalabas sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ang superstar na si Nora Aunor. Nabalitang si John Lloyd Cruz ang makakasama ni Guy.

Malaking istorya sa showbiz kapag bumulaga na ang superstar sa sikat na programa ng ABS-CBN si Nora.

Sabihin mang isang libong artista na ang nakalabas sa MMK, hindi pa rin kumpleto kapag walang Nora Aunor. Sana lang, walang negatibong espiritu na hahadlang sa magandang proyekto.

Naglipana kasi sa studio network ang mga negatibong tao na ang target ay kumontra ng magandang plano.

Naidaos na ang last shooting day ng pelikulang Kabisera sa Bustos, Bulacan, kung saan siya ang bida.

Maswerte ang mga staff ng production dahil ipinamigay ni Guy ang huling sahod niya sa shooting.

Ilang artista kaya makakatulad kay Guy? Parang wala!

Celia nilait-lait at tinawag na pangit si Wally!

Hindi nakatiis ang premyadong aktres na si Ms. Celia Rodriguez at hinanting na niya si Wally Bayola, bilang Lola Nidora at tinanong kung totoong ginagaya nito ang kanyang pagdadamit? Diretsahang sinagot naman ng komedyante na ginagaya nga niya ang outfit ni Celia pero paminsan-minsan lang! Nag-alsa boses si nanay Celia, dahil hinihigpitan ni Wally ang kanyang Yaya na kursunada ng pamangkin na si Alden Richard.

Sinabi ni Celia na kailanman hindi siya mapapantayan ni Wally. Hindi raw nito naranasang mag reyna sa Santa Cruzan at mag-model dahil pangit ito.

Hindi naman nagpatalo si Wally, sinagut-sagot din niya ang magaling na actress. Pero ang sagutang ito ay portion lang sa mala seryeng Juan for All, all for Juan.

Ewan kung kailan magtatagpo ng personal sina Manay Celia at Wally dahil nagbanta itong magkikita rin sila. Knowing Celia, susugod talaga ito.

Rita hindi kinaya ang sampalan nila ni Donita!

Nagabayan na talaga ni Rita Avila ang young star na si Gabbi Garcia, katulad ng ibang nagbida noon sa mga teleserye ng GMA 7. Masaya si Rita sa set, friendly daw lahat mga kasama niya sa taping. Mistulang reunion naman nila ito ni Gardo Versoza dahil pareho silang na-build-up ng Seiko films. Kwento lang ni Rita, medyo nahirapan siya sa sampalan scene nila ni Donita Rose. Hindi naman patatalbog si Ruru Madrid sa pag-arte.

Huwag bibitaw, malapit nang magtapos ang Let the Love Begin.

Joyce tagumpay ang motorcade sa Sitio Lumanas

Na-late sa motorcade si Joyce Ching nang ma-invite ni Jaen, Nueva Ecija Mayor Santi Austria ang bagets na mag-guest sa fiesta ng Sitio Lumanas, Sto. Tomas, Southern Jaen, Nueva Ecija. Akala kasi nila walang trapik dahil Saturday, mabuti na lang nakaabot sila. Twelve kasi ang call time, pero dumating sila sa meeting place ng almost 2:00 p.m na. Moral lesson dapat ang maagang pag-alis tuwing may invitation lalo na kung probinsiya ang pupuntahan.

Dumalo siya sa birthday celebration ni Mayor Santi, at nakita niya kung gaano karaming tao ang dumalo. Nagkaroon pa ng pa-raffle na tatlong motor bike, TV, cash at mga premyong bukod pa sa mga gamit sa bahay.

Personal…

Happy Birthday kay Konsehal Onad Domingo ng Subic, Baliuag, Bulacan noong July 31. Greetings from Connie Martinez, Connie News Stand Baliuag, Bulacan.              

vuukle comment

ALDEN RICHARD

ANG

BULACAN

CELIA

CONNIE MARTINEZ

CONNIE NEWS STAND BALIUAG

DONITA ROSE

HINDI

NBSP

NORA AUNOR

SITIO LUMANAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with