^

Pang Movies

Baklang komedyante nilagnat nang makatikim ng foreigner sa Jacuzzi

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinusumpa na pala ng isang bading na komedyante na makipag-sex sa sho­wer o di kaya pag nababasa siya. Pagkatapos daw kasi ng ganoon niyang drama, nagkakasakit siya na sinasamahan pa ng ubo’t sipon!

Eh, sa isang biyahe niya sa abroad, isinama siya ng kap­wa beki sa isang bath house. Siyempre, nag-shower muna siya bago rumampa at maghanap ng mhin na matitipuhan niya. Eh, kinabukasan ay babalik na sila ng Maynila.

Dahil nga gustong makatikim ng foreigner, sa isang Jacuzzi sa lugar siya nakatagpo ng type na foreigner. Nawala bigla sa isip ng bading na nilalagnat siya kapag sa tubig siya nakipag-sex. Kaya naman sumige siya nang sige sa hada, huh!

Ang ending, nilagnat ang bading na sumasakay sa eroplano! Kaya naman pag may lalaki na hada ay gustong makipag-do sa kanya lalo na at summer, tumataginting na, “No!!!” ang sagot ng beki sa  mhin!

Gusto lang kumanta nang kumanta panganay nina Martin at Pops, walang pakialam sa kanyang audience

Kinanta ni Robin Nievera ang Little Star ng kanta ng ina na si Pops Fer­nandez at I’ll Be There For You ng ama na si Martin Nievera sa The Next Attraction concert sa Music Museum kung saan kasama niya sina Karylle, Paolo Valenciano at Isabella.

Hindi nga lang niya inalam ang reaksyon ng mga tao habang kumakanta siya. “Their reaction? I don’t know. I didn’t look at them. I didn’t wanna look at them. Ha! Ha! Ha!” say ni Robin nang aming makausap sa Jet 7 Bistro.

Magkakaroon ng repeat sa August 14 and 15 ang show nilang apat. Naka­tulong nga raw ‘yung friendship nilang apat kaya magaan lang ang dating ng concert.

“So we all have some kind of connection and when it comes to making decision like I want to sing a song, but they don’t, it’s not so harsh. It’s a good relationship,” rason niya.

Wala naman daw nakawan ng eksena sa kanilang apat kaya ganoon din ang inaasahan ni Robin sa repeat ng concert. Eh, pagdating sa pagkakaroon ng malaking concert na nagawa ng ina’t ama, nananatiling dream lang ‘yon kay Robin.

“It’s a dream but my goal is not to be a Concert King! I want to help OPM more on the music but not more on the concert! I want to help other people with their songs and their albums. Help the industry more credible that already is,” paliwanag ng panganay nina Martin and Pops.

Aminado kasi si Robin na hindi niya kaya ang matataas na boses ng ama’t ina kaya naman kuntento na siya sa nangyayari sa kanyang career.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE THERE FOR YOU

CONCERT KING

KAYA

LITTLE STAR

MARTIN AND POPS

MARTIN NIEVERA

MUSIC MUSEUM

NEXT ATTRACTION

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with