^

Pang Movies

AiAi ibinuking ang relasyon nina Ruru at Gabbi!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang free-admission show ang Thank You Kapuso! GMA Grand Fans Day 2015, sa SM Mall of Asia Arena last Sunday, July 26, from 2:00 to 6:00 p.m., bilang pasasalamat ng network sa mga tumangkilik sa kanila sa loob ng 65 taon.  Bukod sa live show, nagkaroon din ng chance ang mga napi­ling fans na makatanggap ng mga gift at makipag-meet and greet sa mga paborito nilang artista, sa games during the show at raffle ng tickets nila na may mga nanalo ng P 7,000 cash at Smart phone each.  

Nag-participate sa show ang mga broadcas­ters ng GMA News & Public Affairs led by Ms. Mel Tiangco para sa kani-kanilang news programs and documentaries. Nag-perform sina Kristoffer Martin, Joyce Ching at Krystal Reyes for Healing Hearts;  Barbie Forteza, Thea Tolentino, Win Marquez, Vaness del Moral at Andrei Paras for The Half Sisters. Pinangunahan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang pasasalamat nila ng bumubuo ng Sunday All Stars. May sing and dance number sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Luis Alandy, Sheena Halili, Chynna Ortaleza at Mike Tan ng The Rich Man’s Daughter.  Sina Yasmien Kurdi at LJ Reyes with the kids of Yagit. Sina Ryan Agoncillo, Carla Abellana at love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali for Ismol Family.

Comedy Queen AiAi delas Alas wore two outfits, a gold gown para sa Let The Love Begin and ala-Madonna outfit para sa Sunday PinaSaya. Tilian ang audience nang sabihin ni AiAi na mag­dyowa na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia habang kinakanta nila ang theme song ng show nila of the same title. Kinanta rin ni Christian Bautista ang theme song ng My Mother’s Secret with Gwen Zamora at Diva Montelaba.  Tilian din nang lumabas ang mga contestants ng To The Top boyband search. Represented din ang Bubble Gang, at Pepito Manaloto led by Michael V.  Ipinakilala rin ang bumubuo ng new Kapuso Star Squad.           

First time ni German Moreno na mag-appear in public para sa Walang Tulugan with the Master Showman kasama si John Nite. Nagpalaro ng Pinoy Henyo sina Julia Clarete at Anjo Yllana para sa Eat Bulaga. 

Nauna nang lumabas si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa bagong Sunday PinaSaya who danced very gracefully,  dahil alam niyang may issue between Alden at Julie Anne, sabi niya “compress tayo” para magkatabi ang dalawa.  Halata na ang baby bump ni Marian ngayong 6 months na ang baby niya.  Sila ng asawang si Dingdong Dantes ang nagpa-raffle ng 65 pieces ng GMA wristwatch.

Tilian nang mag-duet sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa coming drama series nilang My Faithful Husband. Kumanta si Dingdong Dantes for Pari Koy. Kumanta ng Sway at sumayaw ang drama king na si Christopher de Leon with Lovi Poe, Rocco Nacino at Benjamin Alves for Beautiful Strangers.

Huling ipinakilala si Megan Young for Ma­rimar na inawitan siya ni Tom Rodriguez as Sergio at tilian ang mga fans nang lumuhod pa siya sa harap ni Megan after his song. 

ACIRC

ANDREI PARAS

ANG

ANJO YLLANA

BARBIE FORTEZA

BEAUTIFUL STRANGERS

DINGDONG DANTES

MGA

NBSP

PARA

TILIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with