^

Pang Movies

Direk Joyce ini-enjoy ang pangangarag!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sulit para kay Bb. Joyce Bernal kahit nilalagare niya ang shooting ng movie nina Vilma Santos at Angel Locsin at My Faithful Husband nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA 7.

Siya rin ang mage-edit ng movie entry ni Kris Aquino at Herbert Bautista sa Metro Manila Film Festival, kung saan kinontrata na siya ni Kris.

Ngarag-ngaragan man, enjoy si Bb. Joyce, hindi niya mapapalampas ang pagkakataong makatrabaho ang Star for All Seasons na si Ate Vi. Wala rin siyang problema kay Angel, matagal na silang nag-immersion ng aktres kung saan nagtunggaan lang daw sila saglit para mag-bonding. Nakatrabaho na ni Bb. Joyce si Angel noon, pero bata pa raw ito, sa first soap naman ng aktres sa Kapuso Network. 

Sa wakas naman ay magtatagpo na rin ang landas nila ni Dennis na first time rin makakatrabaho ni Direk Joyce tulad ni Ate Vi. Matagal na raw dapat silang nagkasama pero parehong hindi nagtutugma ang schedule nila ng aktor. Ngayon daw ay wala nang kawala sa kanya si Dennis na nagkataon pang maselan ang tema ng soap nila ni Jennylyn.  Gustung-gusto rin ni Direk Joyce ang mature na tema ng project nina Jennylyn at Dennis, hindi raw niya palalampasin na binyagan ang aktor sa una nilang pagsasama sa serye.

At dahil alam na ni Direk Joyce na magiging busy siya sa kanyang trabaho, nauna na silang  nag-bonding ng kanyang anak na si Liam Bernal. Nabibilisan lang si Direk Joyce sa panahon dahil hindi niya namamalayan na dalaga na ang anak sa edad nitong 13 years old.  Nagustuhan ng anak niyang bagets ang Boracay kung saan sila nag-nature tripping na mag-ina. Madalas din silang manood ng sine ni Liam, kahit daw magastos ay okey lang kay Direk Joyce para mapasaya lang ang anak. Nagustuhan din ni Liam ang stage play na Rak of Aegis.

Hinahayaan muna ni Bb. Joyce na mag-enjoy ang anak, hindi nito pini-pressure kung ano ang gusto nitong kuning kurso sa kolehiyo. Paiba-iba pa raw ng trip ang anak niya, na minsan ay gustong mag-culinary arts, minsan naman ay gustong pumasok sa theater.  Basta ngayon ay enjoy muna ang anak niya sa buhay estudyante.

 

vuukle comment

ALL SEASONS

ANAK

ANG

ANGEL LOCSIN

ATE VI

DENNIS TRILLO

DIREK JOYCE

HERBERT BAUTISTA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOYCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with