Bakasyon grande ngayong Holy Week mga artista nang-iinggit sa social media
Kanya-kanyang post ang mga celebritiy ngayong Lenten Season ng kani-kanilang activities at bakasyon. Karamihan sa kanila ay umalis ng Manila, whether out of town trip or out of the country.
Ilan sa umalis ng bansa ay sina Anne Curtis, Agoncillo family (Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo with two kids), Gutierrez family, Zanjoe Marudo and Bea Alonzo, KC Concepcion, ang mag-anak na Ogie Alcasid, Regine Velasquez and Nate, Eat Bulaga Dabarkads among others.
Sina Kim Chiu at Xian Lim naman ay magkahalong trabaho at bakasyon ang ipinunta sa U.S. May concert sila and at the same time ay may limang araw na pahinga.
Si Anne ay tumungo ng Nepal at ayon sa kanyang post, 5 days daw siya magha-hiking. She did not mention though kung kasama niya ang boyfriend na si Erwan Heussaff.
Sa Bali, Indonesia naman nagtungo ang Gutierrez family at ang saya-sayang tingnan ng mag-anak na Richard Gutierrez, Sarah Lahbati and Baby Zion habang nagsu-swimming.
Sina Juday, Ryan and kids naman ay nagtungo sa New Zealand while si KC ay balik sa U.S.
Ang Eat Bulaga Dabarkads ay nasa Japan gayundin ang showbiz couple na sina Bea at Zanjoe.
Sina Ogie, Regine and son Nate naman ay sa Sydney, Australia para sa family bonding with Michele Van Eimeren and kids.
Betong excited nang magpatawa sa Canada
Kasama si Betong Sumaya sa Kapuso artists na maghahatid-saya sa mga kababayan natin sa abroad para sa ika-10 anibersaryong GMA Pinoy TV. Ayon sa komedyante/TV host, masayang-masaya siya dahil isa siya sa mga napiling artista at first time niyang makapunta sa Vancouver, Canada.
“Aalis kami ng April 21. First time ‘to. Siyempre, ‘yung weather doon (inaabangan ko ‘yun), sabi kasi, malamig doon. Pero ang mas nakaka-excite talaga ay ‘yung sa Vancouver dahil ang stage nila, parang set ng opera.”
Makakasama ni Betong sa Kapusong Pinoy sa Vancouver sina Alden Richards, Christian Bautista, Jonalyn Viray at ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Gaganapin ito sa The Orpheum Theatre Vancouver, Canada, sa darating na April 24.
Subsob man sa trabaho, masayang-masaya naman si Betong sa blessings na natatanggap niya. Bukod sa Bubble Gang, Once Upon A Kiss at Sunday All Stars ay mayroon pa siyang bagong programa, ang Sabado-badoo. Kasama niya rito ang kanyang ka-laughteam na si Sef Cadayona at mapapanuod ito tuwing Sabado bago mag-Pepito Manaloto.
Matteo hindi na inililihim ang pag-ayaw ng magulang ni Sarah
Sobrang touched pa rin daw si Matteo Guidicelli sa birthday surprise sa kanya ni Sarah Geronimo kung saan ay hinarana nga siya ng girlfriend ng kantang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.
Say niya in an interview, favorite song daw niya talaga ang kinanta ng girlfriend at matatandaan ngang magkasama pa silang nanood ng concert ng nasabing foreign singer kamakailan.
Pagkatapos siyang kantahan ni Sarah ay nagbigay siya ng mensahe kay Matteo at dito ay naging emosyonal ang aktor.
Sa panayam kay Matteo, sinabi niyang masaya raw siya talaga nang gabing iyon kaya siya naging emosyonal.
“Masaya tayo dahil marami na kaming pinagdaanan, ganu’n-ganu’n at parang she’s growing, she’s becoming happier, and just to witness all of that, I became emotional. Ayun na-emotional lang ako,” he said.
Acceptance raw ang birthday wish ni Matteo at ito ay patungkol sa mga magulang ni Sarah.
“Siyempre, we have little challenges here and there, but I respect whatever minds they have, whatever they think and feel about, I respect everything, totally everything.
“I can’t blame them, because that’s the people Sarah loves the most so I love them too, and I want to love them too, and I hope everything will be better and happier in the future,” say ni Matteo.
- Latest