^

Pang Movies

Idinemanda na kasi: Female starlet patagong nagbebenta ng mga gamit para makabayad ng utang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Lihim na nagbebenta ng kanyang mga personal na gamit ang isang female starlet dahil kailangan niyang magbayad ng kanyang mga utang.

Balita kasing tinuluyan na siya ng kanyang kaibigan na pinag-utangan niya ng umabot sa isang milyong piso.

Matagal na nagpasensya ang kaibigan na ito ng female starlet dahil panay ang pangako na magbabayad ito. Pero kapag dumating na ang araw na ipinangako nito na magbabayad, palagi itong may dahilan.

Maaawa na raw sana ang kaibigan ni female starlet pero nalaman niyang bumili ito ng bagong sasakyan. Noong sitahin niya ito, sinabi ni female starlet na inaarkelahan lang daw nila ito dahil kailangan niya ng malaking sasakyan para sa kanyang mga anak.

Doon na hindi naniwala ang kaibigan kaya nagsampa na ito ng demanda.

Nakiusap raw si female starlet na iurong na nito ang demanda at gagawa siya ng paraan para mabayaran ang naipong utang nito.

Binigyan lang ng tatlong buwan ng abogado si female starlet para mabayaran ng buo ang kaibigan nito or else tuloy ang demanda at lahat ng ari-arian niya ay kukunin para lang makapagbayad ito.

Kaya si female starlet ay nagbebenta na ng kanyang mga naipundar na alahas sa kanyang mga kaibigang celebrity. Ibinebenta rin nito ang isang bahay niya na regalo sa kanya ng dating nakarelasyon na singer na may asawa.

Lumaki ng bonggang-bongga ang utang ni female starlet dahil sa kinakasama nitong nalululong sa pagsusugal.

Tatlong Pinay nagpapakitang-gilas na naman sa Asia’s Next Top Model

Tatlong Pinay models ang kasali at makikipagtunggali sa iba’t ibang models ng Asia para sa Cycle 3 ng Asia’s Next Top Model.

Ang tatlong Pinay models na ito ay sina Amanda Bianca Chan, Franchesca Denise Lagua and Marlena Monika Sta. Maria.

Sa nakaraang dalawang cycles ng Asia’s Next Top Model ay napansin ang husay at ganda ng Pinay pagdating sa modelling on print and runway.

Sa first cycle in 2013 ay naging representative natin ay si Stephanie Retuya na nagtapos as first runner-up sa winner na si Jessica Amornkuldilok of Thailand.

Sa second cycle naman ay dalawang Pinay ang sumali na sina Jodilly Pendre at Katarina Rodriguez, who both emerged as runners-up sa winner na si Sheena Liam of Malaysia.

Sa pilot episode nga ng Asia’s Next Top Model sa StarWorld last March 25, nakuha agad ng 17-year-old na si Amanda ang “best photo” at pinuri siya ng mga judges na binubuo nina Alex Perry, Joey Mead King at ng host na si Georgina Wilson.

Pinuri rin ang psychology graduate na si Monika dahil professional na agad ang aura nito sa unang photo shoot nito. Si Monika ang nanalong Century Tuna Superbod noong 2013.

Safe naman ang first time na sumali sa isang modelling contest na si Franchesca.

Angelina Jolie umamin na kakaiba sa mga kaibigan noong bata pa

Naging first public appearance ni Angelina Jolie ang pagdalo nito sa 2015 Kid’s Choice Awards pagkatapos ng kanyang public confession na dumaan siya sa isang life-saving surgery.

Kasama ni Angelina ang kanyang dalawang anak na sina Zahara at Shiloh sa naturang show dahil tatanggapin niya ang award for Favorite Villain para sa kanyang pinagbidahan na Maleficent.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi nito na lumaki siyang parang kakaiba sa mga batang kaedad niya. Pero hindi raw iyon nakapagpigil sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap sa buhay.

“Different is good. So, don’t fit. Don’t ever try to be less than what you are, and when someone tells you that you are different, smile and hold your head up high and be proud,” ngiti pa ni Angelina.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELINA JOLIE

FEMALE

ITO

KANYANG

MGA

NEXT TOP MODEL

NITO

PINAY

STARLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with