Imahe ng Sagrada Familia sa mga rosas, milagroso nga ba?
MANILA, Philippines - Aalamin ni Kuya Kim Atienza ang mga kwento sa likod ng mga pamahiin tuwing Semana Santa ngayong Linggo (Marso 29) sa Matanglawin.
Kilalanin ang ilang masuswerteng indibidwal na nakalapit sa isang “rock star” na bumisita rito sa bansa na may higit-kumulang na limang milyong follower sa Twitter. Mamangha sa kwento ng mga taong ito ng makadaupang-palad nila ang Papa Francisco.
Samahan si Kuya Kim sa kanyang pagpapaliwanag ng mga iba’t ibang paniniwala ng mga Pilipino tuwing Semana Santa, lalo na ng mga nakatatanda. Ito ba ay isang alternatibo sa pagdiriwang ng panahon ng penitensya kung hindi maliligo, magwawalis ng sahig, maglabada o kaya magkuko?
Panoorin din ang mga deboto ng Mt. Carmel at Mary Mediatrix of All Grace sa kanilang pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang pananampalataya sa mga mirakulo ng paggaling ng iba’t ibang sakit at ang pagpapakita umano ng mga mukha ng Sagrada Pamilya sa mga rosas.
- Latest