‘May Side A pa pala?’
Ikinukumpara si Joey Generoso ng Side A band kay Zayn Malik ng One Direction dahil magkasabay nilang iniwan ang kanilang grupo.
After so many years, nag-babu na si Joey sa Side A dahil gusto niya na magkaroon ng solo career. Nakilala si Joey bilang vocalist ng banda na sumikat noong dekada ’90.
Kinumpirma ng Side A ang pag-alis ni Joey sa pamamagitan ng isang official statement:
“Side A confirms Joey Generoso opted to pursue a solo career this year as he turned 53 years old. He leaves Side A after many great years and memories with the group regarded as the premiere band of the Philippines.”
Iba’t iba ang reaksyon ng fans sa desisyon ni Joey na mag-pursue ng solo career dahil 53-years old na siya.
May mga nalungkot at nag-emote na “ Side A will never be the same again” pero winner ang reaksyon ng mga vaklush nang malaman nila ang balita. Ang kanilang chorus na reaksyon, “May Side A pa pala?”
Oo ang sagot sa subtle na pagmamaldita ng mga baklita dahil malinaw sa official statement na with or without Joey, tuloy ang buhay para sa remaining members ng Side A. Naghahanap na nga sila ng vocalist na papalit sa puwesto na iniwanan ni Joey.
Sen. Bong umaapelang makita ang pagtanggap ng limang award ng anak
Lima ang award na matatanggap ni Loudette Bautista sa pagtatapos niya sa La Salle Zobel High School sa March 28.
The who si Loudette? Siya ang anak nina Senator Bong Revilla at House Representative Lani Mercado na magtatapos ng high school.
Ang graduation ni Loudette ang ipinagpapaalam ni Bong sa Sandiganbayan. Hinihiling ni Bong na payagan siya ng korte na umalis sa PNP Custodial Center sa March 28 para masaksihan niya ang pagbibigay ng parangal sa kanyang anak.
Ang Exemplary Conduct Award,Special Exemplary Award, Alfonso Yuchengco National Discipline Award, St. Mutien Marie Award at St. La Salle Award ang mga matatanggap ni Loudette.
Umaasa si Bong na mapagbibigyan ng Sandiganbayan ang kanyang special request tulad ng pagpayag ng korte na makadalo si Senator Jinggoy Estrada sa graduation ng anak na si Julian.
Nag-submit na ang mga abogado ni Bong sa Sandiganbayan ng mga dokumento na magpapatunay na graduating student si Loudette.
Proud parents sina Bong at Lani dahil sa mga karangalan na ipagkakaloob kay Loudette ng La Salle Zobel High School.
Witness ako sa sipag ni Loudette sa pag-aaral dahil naaabutan ko siya na gumagawa ng assignments kapag dinadalaw ko ang tatay niya sa PNP Custodial Center.
- Latest