^

Pang Movies

Nakakakilabot na aksidente nahuli ng kamera sa Reali-TV

Pang-masa

MANILA, Philippines - Palakasan ng sikmura ngayong Miyerkules (Mar. 25) sa Reali-TV dahil ipapakita ni Atom Araullo ang mga nakakakilabot na vidoes ng iba’t ibang injury at aksidente.

Ang basketball at volleyball ay mga sport kung saan matatagpuan ang ilan sa mga pinakamagagaling na atleta, at minsan, ilan din sa pinakanakakagulat na mga aksidente. Noong naglalaro pa ang basketball star na si Allan Caidic, siya’y minsang nasahod at lumagpak ng malala sa hardcourt at biglang nagsuka bago siya itakbo sa ospital. Ang DLSU Lady Spiker naman na si Ara Galang ay kamakailan lang ay nagkamali ng pagbagsak at bumigay ang tuhod sa gitna ng laro.

Hindi rin nagpahuli sa eksena ang isang hinete noon matapos siyang mahulog sa kanyang sinasak­yang kabayo. Naparalisa ang naturang hinete nang siya ay ma­dambahan ng kanyang kabayo at ng iba pang kalahok sa karera.

Ngunit, hindi lahat ng mga nakakakilabot na aksidente ay naghuhudyat ng katapusan tulad na lang ni Isabelle Trinidad. Siya’y naputulan ng kanang binti sa isang aksidente sa SLEX ngunit hindi ito pumigil sa kanya para mag-pole dancing, ice skating, at modelling.

Iyan at iba pang kahindik-hindik na mga bidyong nahagip ng mga kamera ang inyong makikita ngayong Miyerkules (Marso 25) ng hapon sa Reali-TV sa ABS-CBN.

vuukle comment

ALLAN CAIDIC

ARA GALANG

ATOM ARAULLO

ISABELLE TRINIDAD

IYAN

LADY SPIKER

MIYERKULES

REALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with