^

Pang Movies

Kapamilya jackpot sa Your Face...

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe ang mga celebrity-contestant ng TV show na Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN, bale nasa second week na sila, na every Saturday & Sunday mapapanood.

Kaloka sina Melai Cantiveros, JayR, Nyoy Volante, Karla Estrada, Tutti Caringal, Maxene Magalona at Jolina Magdangal.

Halos kalilipat pa lang ni JayR sa Kapamilya nang mag-start ang first episode ng said show kung saan ang mga panel of judges ay sina Gary Valenciano, Jed Madela, at ang nagbabalik na si Megastar Sharon Cuneta.

Nagwagi si JayR ng 100,000 pesos at ‘di raw siya makapaniwala. Pero in fairness, pinaghirapan niya ang paggaya kay Stevie Wonder. Actually, transformation ang nakikita namin sa labanan ng mga contestant, more on sa ayos na kinopya nila sa mga icons ng musika, mukha, arte ‘pag kumanta, at iba pa. Kuhang-kuha nila.

Sa nakaraang Saturday show, naloka kami kay Melai sa paggaya kay Britney Spears. Si Mega naman ay parang halos himatayin sa katatawa dahil gayang-gaya ni Melai si Britney. Ang ganda niya! Okay din siya nung first episode bilang Nora Aunor. Sa totoo lang, lahat sila magagaling. Pinaghihirapan nila talaga every week ang personalities na ginagaya nila.

Okay si Jolina sa paggaya kay Sampaguita pero mas type ko ang panggagaya ni Maxene. Kuhang-kuha niya ang pagliyad ni Pilita Corales. Walang itulak-kabigin sa kanilang walong contestant.

Saludo ako sa may idea ng said show ng Kapamilya pero higit sa lahat ay ang make-up artists na nag-aayos sa mga face ng contestant. Binabati ko rin si Billy Crawford bilang solo host. Ang galing mo, bata! (Ang batang makulit noong bata pa!)

Mataas ang ratings kahit mga baguhan tinututukan sa Wattpad Presents

Lahat pala ng mga Wattpad stories na inilalabas ng TV5 ay mataas ang ratings sa TV survey. Hindi sila nabigo sa ginawang parang trial lang. Akala nila pang-bagets lang ang show na ito, pero this time ay ka-join na ang mga elders sa pagsubaybay ng kanilang palabas.

Last Wattpad Presents episode na Bitter Ella, grabe ang response ng televiewers kahit mga new faces pa ang bida na sina Phytos Ramirez at Suklay Diva, Katrina Velarde.

Bimby join din sa bagong atraksyon sa Lubao, Pampanga

Isang malaking event ang magaganap sa bayan ng Lubao, Pampanga sa March 26-29 sa pangunguna ni Mayora Mylene Pineda (aru, calagu na!) dahil sa gaganaping Hot Air Balloon Fiesta. Tiyak daw na dadaluhan ito ng maraming tao galing sa iba’t ibang panig ng mundo. First time raw sa bayan nila ang nasabing festival at labis na ikinatutuwa ng mga opisyales ng lalawigan ng Pampanga dahil magpapalakas ang turismo sa kanilang lugar. Teka nga, ang Secretary of Tourism sa Pampanga sa pagkakaalam ko ay anak ni Senator Lito Lapid at ang guest of honor ng nasabing pista ay si Mr. Bimby Aquino Yap.

Biggest happening sa showbiz ngayong Sabado!

Heto pa ang biggest happening na magaganap sa showbiz ngayong March 28, Sabado, ang 41st Anniversary ng Mowelfund 1 p.m. up to 5 p.m.

Tinatawagan ang lahat ng kasapi ng itinuturing na insurance ng mga taga-showbiz na lehitimong kasapi. Bring you Mowelfund I.D. para sa mga biyayang ipagkakaloob like medical & dental services, raffle prizes, at iba pa.

Please join us, sabi ng Chairman na si Boots Anson-Rodrigo. Dadalo rin ang founder ng Mowelfund na si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. See you guys!

 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

BITTER ELLA

BRITNEY SPEARS

GARY VALENCIANO

HOT AIR BALLOON FIESTA

JED MADELA

JOLINA MAGDANGAL

PAMPANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with