^

Pang Movies

Hindi naisahan ang beauty queen Kris hindi natanong si Pia kung gusto si P-Noy

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagkaharap sina Kris Aquino at ang nali-link sa Kuya President Noynoy Aquino niya na si BB. Pilipinas-Universe 2015 Pia Wurtzbach last Sunday nang live ng mag-guest ang beauty queen kasama ang iba pang winners sa katatapos lang na BB. Pilipinas pageant sa The Buzz.

Base sa mga reaksyon ni Kris kay Pia, kitang-kita mo na botong-boto siya sa beauty queen para sa kanyang kuya. Kaaliw ang kanilang usapan dahil talagang kinuwestiyun-kuwestiyon siya ni Tetay sa kanyang mga hilig na parang kinikilatis talaga.

Bago umere ang show ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram ng picture nilang magkakapatid na may caption na “On my way to Buzz. I was able to force my siblings to pose w/ me. Why? Because the 1 in the middle said “Be Nice” to 1 of our guests later. Omg, so I said “of course, but I want an IG pic 1st of all of us!” So my other 3 sisters said poor them, sasabihin daw ng all my followers wala silang ka-ayos-ayos. I said: hello? They love your simplicity, given na na ako lang ang maarte.”

Ang nasa gitna ay si P-Noy at ang guest nga ay si Pia.

So, nang magkarap ang dalawa sa show, ikinuwento rin ito ni Kris sa beauty queen at tinanong si Pia kung bakit siya sinabihan ng kapatid niya na “be nice” to her.

Paliwanag naman ni Pia, “because I mentioned that I was going to be here sa The Buzz. And I said that I was a little bit nervous because I saw the teaser and then, nakalagay nga na “Pia Wurtzbach, sasagutin na ‘yung mga tanong sa kanya tungkol kay Phil Younghusband at P-Noy,” ganyan.

“And then, nu’ng nakita ko ‘yun, sabi ko, “ay hindi tungkol sa pagkapanalo ko.” So I was preparing myself for the questions already and then I told him. Well, I didn’t say to tell you to be nice to me, of course not. It didn’t come from me.”

Say naman ni Kris, “but iniative niya (P-Noy), ‘di ba? Na sabihan ako, “be nice.” Hello, I’m so nice.”

Mabilis namang um-agree si Pia, “Yeah, yeah, you are.”

Tanong naman ulit ni Kris, “dina-doubt mo ba ‘yung niceness ko?”

Sagot naman ulit ni Pia, “no, no, of course not.”

Tawa naman nang tawa si Boy Abunda.

“I love him. Happy siya, tingnan n’yo ang ngiti sa rami ng problema. Kung kinikilig at 55 years old, why not? Karapatan n’ya ‘yun,” say ni Kris.

At this point ay klinaro na ni Kuya Boy ang tungkol sa pagkaka-link ni Pia kay Phil at mabilis namang inamin ng beauty queen na nag-date nga sila.

“We did date for a while. And then, when the news came out actually na na-link ako sa kanya, hindi na kami nagdi-date noon, although we remain friends now,” sabi ni Pia.

Natuwa naman si Kris at priceless ang pagkakasabi niya ng “Ah, tapos na? Oh my God, so okay na.”

Maya-maya ay tinanong niya si Pia kung mahilig ito sa music. Sagot naman ni Bb. Pilipinas ay oo raw.

“He loves music, eh. You like action? Movies na action?” say ni Kris.

“Pwede na,” sagot ni Pia.

Tanong ulit ni Kris, “you read a lot?”

Pia answered, “I do in my spare time.”

Isa pang tanong ni Kris, Okay lang sa ‘yo outdoors? Going outdoors? Okay sa ‘yo ang firing range? ‘Tapos mga combat-combat na mga ganun?”

Sagot naman ni Pia, “I don’t really like staying indoors. Wow, that sounds really interesting! Yes!”

Sa totoo lang, pati kami ay bumibilib kay Pia sa sandaling panayam na ‘yun. Magaling siyang sumagot, honest, walang paliguy-ligoy. No wonder, siya ang nanalo.

Medyo kulang lang ang tanong ni Kris. Dapat ay tinanong na niya nang diretso si Pia kung type ba nito ang brother niya at ano na ba ang status talaga nila. She maybe knows pero siyempre, hindi alam ng mga manonood.

 

vuukle comment

BE NICE

BOY ABUNDA

KRIS

KUYA BOY

NAMAN

P-NOY

PIA

PIA WURTZBACH

SAGOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with