^

Pang Movies

Sarah excited nang pag-aralin si Baby Zion

- Vinia Vivar - Pang-masa

Wala pang 2 years old ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion pero mulat na mulat na ito sa mundo ng showbiz. Tulad nga last Saturday ay rumampa na ito sa fashion show ng kanyang tita Ruffa Gutierrez na Love Collection 2.

Nang matanong nga namin si Sarah kung magtutuloy-tuloy na ba talaga sa showbiz si Zion, aniya ay hindi pa raw niya alam dahil masyado pa nga itong bata.

“Siyempre, ngayon, medyo nagi-school shopping na dahil excited na kami,” natatawa niyang kuwento.

So, may school na ba silang nakita?

“We don’t know yet, but we’re checking out different schools and we’ll see our options.”

Balak na raw nilang ipasok si Zion this school year kaya sabi namin ay masyado pang maaga.

“Ano pa lang naman, kung baga, play school na may kasamang interaction, with numbers, parang the ear­lier na matuto sila para mas okay sila ‘pag pumasok na sila,” say niya.

Kelan nila balak sundan si Zion?

“My God,” bulalas niya. “Pwedeng mag-celebrate muna ako sa kasiyahan today?”

Natawa na lang si Sarah nang biruin na mabuti’t nakakapagpigil si Richard eh lalo siyang gumaganda ngayon.

“Grabe!” nasambit na lang niya.

Kambal ni Joel Cruz agaw-eksena rin sa fashion show ni Ruffa

Nakakatuwa naman ang kambal na anak ni Joel Cruz na sina Prince Sean and Princess Synee na magta-tatlong taon na. Ang cute-cute ng dalawang bagets but more than that, sobrang interes­ting kung paano siya naging ama sa dalawang batang ito.

Bago ipinanganak ang twins ay 9 years nang sinusubok ni Joel ang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy prog­rams sa iba’t ibang bansa. Pero lagi raw failure ito. Hanggang sa piliin niya naman ang Russia at doon na nga natupad ang kanyang panga­rap. First attempt pa lang ay naging successful na and thus, the twins were born.

Iisa ang ina ng dalawang bata at gumastos siya ng humigit kumulang sa P12-M para rito. Pero wala raw katumbas na anumang pera ang labis na kasiyahan nararamdaman niya ngayong isa na siyang ama.

Kasama ni Joel ang kambal niyang anak sa Love Collection 2 ni Ruffa at talagang pinagkaguluhan silang mag-aama sa event.

Annabelle hindi pa rin aprub sa boyfriend ni Ruffa

Nakausap namin si tita Annabelle Rama matapos ang pagbabati nila ng nanay ni Sarah Lahbati na si Mrs. Esther Lahbati at nabanggit nga sa kanya ng press na tuwang-tuwa si Sarah.

“Sobrang happy siya kasi ang nanay niya, makakapunta na sa bahay namin sa Dasma (Makati). Kasi dati ayoko siyang pumunta kasi ayokong naiilang ako, eh. Pero ngayon, I told Esther that “you can come to the house anytime. Sa White Plains, sa Makati house pwede na siya.

Proud na proud si Lola Annabelle kay Zion na rumampa sa Love Collection 2 at nag-beautiful eyes pa. Siyempre, proud din siya sa dalawang daughters ni Ruffa na sina Lorin and Venice Bektas.

“I’m so proud kasi si Lorin, ang galing-ga­ling talagang magsalita. Ganu’n din naman si Venice. Pero si Venice, magaling siyang kumanta.”

So, kumikita na sila?

“Oo naman, nagbebenta na sila sa mga classmates nila (ng mga damit sa Love Collection 2). Kahapon pa maraming bumibili, eh. Mga presold na.”

When asked kung okay na ba sa kanya ang boyfriend ni Ruffa na si Jourdan Mouyal, bulalas niya, “hindi ah!”

Dagdag niya, “iniiwasan ko nga sa labas, eh. Nakita ko, eh. I don’t want to talk about him anymore.”

Pero humihirit ang isa naming kasamahan na sosyal naman daw si Jourdan at sambit ni tita Annabelle, “hayaan mo na siya, dong!”

Ha-ha-ha!

vuukle comment

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

JOEL CRUZ

LOVE COLLECTION

NIYA

PERO

RUFFA

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with