^

Pang Movies

Amalia at Romeo hindi pa annulled, puwedeng magkabalikan

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagsisihan namin ang hindi namin pagsama sa a­ming kaibigan na si Precy Ejercito sa pagpunta niya sa wake ni Liezl Martinez. Umiiwas kami sa mara­ming tao na madalas nangyayari sa mga burol ng artista. ‘Yun naman pala, sa wake ni Liezl ay very private ito with relatives and friends lang ang naroroon.

Hindi man kami close ni Liezl ay lagi itong bumabati sa amin sa tuwing magkukrus ang a­ming landas. Sa parties ng mutual friends kami nagkikita. Ang hindi namin malilimutan na encounter with Liezl ay noong mus­mos pa ito na kasa-kasama ng ina sa shooting ng Bulaklak at Paru-paro na pinagbibidahan nina Amalia Fuentes at Eddie Gutierrez sa Canlubang, Laguna kasama ang mga baguhang sina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Imbes na umusyoso kami sa shooting ay si Liezl ang pinagtutuunan namin ng pansin at lagi namin siyang nilalaro kasama ang yaya na si Irene. Sabi nga ni Nena (Amalia) noon, may pagkamasungit si Liezel sa fans dahil lagi raw itong pinanggigilan at kinukurot.

Sa burol ni Liezel ay nagkasama muli ang mga magulang niyang sina Amalia at Romeo Vasquez na binibiro ng mga kaibigan. Matagal nang hiwalay ang dalawa at maayos ang relasyon nila bilang magkaibigan. Wika raw ni Amalia na hindi pa annul­led sa simbahan ang kasal nila.

Rocco hindi pa handang pakasalan si Lovi

Nitong March 15 ay nagdiwang ng kanyang kaa­rawan si Rocco Nacino ng kanyang ika-28th birthday sa Sunday All Stars. Noong March 14 na­man ay nagkaroon din siya ng advance birthday ce­le­bration kapiling ang mga batang lumalaban sa sakit na cancer sa Bahay Aruga.

March 21 ang actual birthday ni Rocco at wish lang niya ay isang simpleng dinner with his family at siyempre kasama ang love niyang si Lovi Poe.

Wala pa raw regalo si Lovi na sobra nang na­ngu­ngulit kung ano ang gustong matanggap ng aktor.

Samantala, wala pa sa isip niya ang mag-settle down. Kailangan pa niyang mag-ipon at kung hin­di man magpatuloy ang kanyang  pag-aartista ay puwede na­man daw siyang bumaik sa medical profession na tina­pos niya. Board passer sa kursong Nursing si Rocco.

vuukle comment

AMALIA

AMALIA FUENTES

BAHAY ARUGA

EDDIE GUTIERREZ

EDGAR MORTIZ

LIEZEL

LIEZL

ROCCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with