^

Pang Movies

Coco magiging kapit-bahay na si Julia

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mabenta ngayon ang direktorang si Antoinette Jaodane. Heto at may bago na naman siyang movie sa Star Cinema, ang You’re My Boss nina Toni Gonzaga at Coco Martin. Kahit another romantic comedy ang movie, mukhang fresh naman ang idea base sa 30-seconder naming napanood kahapon.

Pero please lang, ‘wag lagyan ng anggulo ang tambalang CoTon (parang bulak), huh! Engaged na si Toni kay Direk Paul Soriano habang si Coco ay may tsismis na tinulungan (o pinagagawan?) ng bahay si Julia sa kanilang village, huh!

Eh ngayon namang solved na si Coco sa pagpapagawa ng bahay sa pamilya niya at magaan-gaan na ang buhay, bigyan naman niya ng oras ang kanyang puso, huh!

Gretchen ayaw na ng gulo

Tumanggi si Gretchen Barretto na magpahayag sa hindi niya pagdalo sa debut ng pamangkin na si Julia Barretto. Tugon niya, “Respeto” ang hiniling niya sa media na kumu­yog sa kanya sa isang interview.

As we all know, nagliliwaliw sa London si Greta sa debut ng pamangkin. Kaya si Claudine Barretto ang bidang-bida sa okasyong ‘yon bukod sa debutante.

Dati sina Gretchen at Marjorie ang magkakampi versus Claudine. But not anymore dahil nga sa chummy-chummy sa debut sina Clau at Marj. So the family feud is not yet over.

Buti na lang, naging reserved si Gretchen sa kanyang statements, huh!

Grupong Harana salu-salungat ang boses

Para namang hindi nag-rehearse ang grupong Harana na kumanta kahapon sa ASAP20. Sina Michael Pangilinan, Marlo Mortel, Bryan Santos, at Joseph Marco ang bumubuo ng grupo.

Paano naman kasi, sali-saliwa ang boses nila. May nakunan pa nga ang kamera na umiiling-iling dahil sa may sablay na boses kaya walang blending na lumabas sa kanila.

Sa apat, si Michael ang mas kilala naming maganda ang boses dahil pagkanta talaga ang talent niya. Sinamahan sana siya ng talagang kilalang singer nang sa gayun, lumabas ang husay niya sa pagkanta at hindi ‘yung isinasama sa grupo na may members na dispalinghado ang boses, huh!

Performers sa SAS nagbabasaan at puro pagpapakita ng bukol ang ginawa

Kung mga straight production numbers ang napapanood sa ASAP20, ang pagpapaseksi at pagpapakita ng hubad na katawan ng performers ang panlaban ng Sunday All Stars kada linggo.

May basaan pa na kung minsan ay nagpipista ang mga beki sa bukol ng mga lalaking performer habang ang mga lalaki naman ay busog na busog ang mga mata sa alindog ng mga kababaihan, huh! Eh summer naman na ngayon kaya may hustisya ang kanilang pagpapakita ng katawan, huh!

vuukle comment

ANTOINETTE JAODANE

BRYAN SANTOS

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

DIREK PAUL SORIANO

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

GRUPONG HARANA

HUH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with