^

Pang Movies

Laos na starlet nagpi-feeling misis sa mister ng female celeb

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ipinagtataka ng ilan kung bakit magkasama parati ang dating sexy starlet at ang mister ng isang female celebrity sa mga lakad nito.

Kapag tinatawagan ang sexy starlet ng mga talent coordinators para maging guest, ang binibigay nitong contact number ay ang number ng mister ng female celebrity.

Ang sagot ay “other woman” pala ni mister ang sexy starlet.

Napag-alaman ng source namin na may matinding marital problem ang female celebrity at ang mister niya na naging part-time actor noon.

Kung noon ay parati silang may mga photos na ipino-post sa social media account ng female celebrity, ngayon ay wala na.

“Matagal na pa silang may problema. Pero hindi pa nauuwi sa paghihiwalay. Sa iba muna tumira si female celebrity kasama ang kanilang anak.

“Ito namang mister niya, nakilala ang sexy starlet sa mga shows na pinu-produce ng kaibigan niya. Kaibigan kasi ni mister ang dating boyfriend ni sexy starlet.

“In fairness naman, guwapo at macho ang mister ni female celebrity kaya hindi ako magtataka kung bakit inakit ito ni sexy starlet.

“Ayun noong nagkaroon ng problema sa samahan, ang binalingan ni lalaki ay ang sexy starlet,” sey ng source namin.

Alam na nga raw ng female celebrity ang tungkol sa extra-curricular activity ng kanyang mister. Pero wala na itong pakialam sa kanyang mister at gusto na lang nitong maghiwalay sila.

Hindi naman daw ito ang unang beses na ginawa iyan ng mister niya. Ilang mga starlet daw ang pinatos nito. Pero itong latest na sexy starlet ay nagtagal at umaasta na ngang misis na siya.

Ito na raw ang sumasagot ng cellphone ng mister niya at kine-claim nito na siya na ang bagong asawa.

May kinakausap na raw na abogado ang female celebrity para maayos ang separation of properties nila ng mister niya.

Hindi nga naman daw papayag ang female celebrity na makinabang sa mga ipinundar nila para sa kanilang anak ang laos na starlet.

Direk Maryo magtatayo ng sa Bohol

Bukod sa pagdirek ng bagong teleserye sa GMA-7 na Pari Koy, abala rin si Direk Maryo J. delos Reyes sa kanyang pagtuturo ng theatre and filmmaking sa kanyang probinsya sa Bohol.

Desidido na si Direk Maryo na magtayo ng kauna-unahang film school sa Bohol at magkaroon na ng isang local film festival doon.

“Wala pa kasing film school doon and iyon ang gusto kong mangyari since I’ve been teaching there for quite some time noong wala pa akong sinisimulan na teleserye.

“Maraming students kasi roon na gustong mag-aral ng film pero they don’t have the means na mag-enroll dito sa Manila.

“So I want to bring that school to them and with the help of a few people, we are hoping na this year ay masimulan na namin iyon.

“Then it will eventually lead to having new and young filmmakers para sa industriya din natin.”

Gusto ngang simulan ni Direk Maryo ang magkaroon ng isang local film festival sa Bohol para raw lumaki ito at maging isang international film festival.

Ipinagmamalaki ni Direk Maryo ang ganda ng Bohol at gusto niyang ma-discover ito ng maraming mga dayuhan.

“Actually, before the earthquake that rocked Bohol, nagiging prime destination na ng mga tourist ang Bohol.

“We have so many beaches na hindi pa nadi-discover pero may ilan nang nakakaalam na puntahan ang mga iyon.

“By having an international film festival there, we can help boost the economy and the tourism of Bohol.

“Malaking tulong iyon sa mga kapwa ko Boholeno’t Boholena because kapag nag-boom ang economy doon, it will mean more jobs for everyone there.

“Kaya we’re doing our best to really keep this going. Kahit na busy ako ngayon with Pari Koy, I have people naman na tumutulong sa akin sa dream ko for Bohol.”

Second time ngang madirek ni Direk Maryo si Dingdong Dantes sa isang teleserye. Una nilang pinagsamahan ay ang teleserye na Pahiram ng Sandali noong 2012 pa.

Madonna nagsalita na sa alitan nila ni Lady Gaga

Sa latest interview ng Queen of Pop na si Madonna sa Rolling Stone magazine, pina-describe sa kanya ang mga top musical artists ngayon in music tulad nila Lady Gaga, Taylor Swift, at Kanye West.

Nagbigay ng comment si Madonna sa ginawa ni Kanye sa nakaraang Grammy Awards.

“He’s a brilliant madman. He can’t help himself.

“Like, he doesn’t have the same filters other people have. He has to blurt things out—he’s always saying inappropriate stuff.

“But he also has brilliant ideas in the studio, if you can get him to pay attention long enough.

“I don’t always agree with the things he says or does—I don’t always like his music, even. But he’s a beautiful mess.

“I love him...I think he takes award shows too seriously...So that part of him I can’t relate to.

“Like, what’s the point of fighting for somebody to...like, ‘This person should have got it?’ Don’t come to an award show looking for justice!”

On Lady Gaga, sinagot na ni Madonna ang tungkol sa nabalitang alitan nila nito.

“I don’t think she wants my crown...We live in a world where people like to pit women against each other. And this is why I love the idea of embracing other females who are doing what I’m doing.

“The only time I ever criticized Lady Gaga was when I felt like she blatantly ripped off one of my songs. It’s got nothing to do with ‘she’s taking my crown’ or ‘she’s in some space of mine.’

“She has her thing. I do think she’s a very talented singer and songwriter. It was just that one issue.

“And everybody’s obviously run with it and turned it into a huge feud, which I think is really boring, quite frankly. And you know what? I don’t care anymore. Here’s the thing: one day everyone’s going to shut up about it. You’ll see! I have a plan.”

Kay Taylor Swift naman, gusto raw siyang yakapin ni Madonna.

“She has an opinion, and she’s going against the norm. So in that respect, she is similar to me, yeah.

“And also, people just want to give her a hard time all the time because they think she’s a goody-two-shoes, so of course I want to embrace her.”

vuukle comment

BOHOL

CELEBRITY

DIREK MARYO

FEMALE

LADY GAGA

MISTER

PARI KOY

STARLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with