^

Pang Movies

Character actress hindi pa rin kayang makasama ang manyak na actor!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tumangging makasama ng character actress na ito ang isang character actor sa isang indie film dahil hindi pa niya ito napapatawad sa ginawang kabastusan sa kanya may ilang taon na ang nakararaan.

Sa isang pinagsamahang teleserye naganap ang pambabastos ni character actor kay character actress. Dahil dito ay nagsabi na si character actress na never niyang muling makakasama uli ang bastos na taong ito.

Pero sa isang casting nga para sa indie film ay hindi alam ng talent coordinator na may issue ang dalawang artista. Kaya noong magkaroon ng story conference para sa project ay nagtagpo ang dalawa at biglang nag-walkout ang character actress.

Kinausap ito ng ilang may kinalaman sa project at nag-sorry sila dahil hindi nila alam na may issue ang dalawa.

Sey na lang ni character actress na gagawin niya ang indie movie pero kailangan palitan nila ang character actor dahil sa naranasan niyang pambabastos.

Ang problema lang ay gusto ng director nila ang character actor dahil bagay sa kanya ang role para rito. Gusto naman ng producer ng indie movie ang character actress dahil magaling itong artista.

Kung hindi magkasundo ang director at producer, ang pinakamagandang gawin na lang ay kumuha na lang sila ng ibang mga artista bilang kapalit ng character actor at actress.

Imposible raw na mapagsama ang dalawa at baka naman magkaroon ng problema sa director at producer. Kaya para maiwasan ang mga ganyang gulo, baka ibang mga artista na lang ang kukunin nila.

Diretso sa rehab clinic BF ni Bobbi Kristina Brown na si Nick Gordon nagwala sa interview!

Naging isang intervention ang dapat na one-on-one interview ni Nick Gordon sa talk show ni Dr. Phil.

Si Nick Gordon ay ang boyfriend ni Bobbi Kristina Brown na hanggang ngayon ay comatose pa.

Sa pagkakaalam ni Nick ay exclusive siyang magpapa-interview kay Dr. Phil para sa kanyang saloobin tungkol sa pamilya ni Bobbi Kristina at suspect nga siya sa diumanong attempted murder sa anak nina Bobby Brown and the late Whitney Houston.

Pero naging intervention ang lahat at ang ina mismo ni Nick na si Michelle Gordon ang nag-asikaso nito with Dr. Phil.

Lulong na kasi sa droga at alak si Nick at nais na siyang ipasok ng ina nito sa isang rehab facility.

Noong malaman ni Nick na isang intervention ang nagaganap, nagwala raw ito. Naganap ang naturang intervention sa isang hotel sa Atlanta, Georgia.

Ayon sa report ng TMZ na sobrang kargada raw sa droga at alak si Nick, kinailangan daw itong isakay sa isang luggage cart dahil hindi na nito kayang maglakad pa.

“Nick Gordon could not talk about Bobbi Kristina. Nick’s mom did a lot of the talking, and told Phil her son was deep into booze and Xanax. Nick was so messed up he could barely form sentences,” sey pa ng TMZ.

May sinaktan pa ngang dalawang staff members ni Dr. Phil si Nick noong magwala ito.

Diniretso sa isang undisclosed rehab clinic si Nick pagkatapos ng ginawa nitong kaguluhan.

vuukle comment

ACTRESS

BOBBI KRISTINA

BOBBI KRISTINA BROWN

BOBBY BROWN

CHARACTER

DAHIL

DR. PHIL

ISANG

NICK

NICK GORDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with