^

Pang Movies

Xian may dapat ipagpasalamat kina Jolo at Julia

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasalamat si Xian Lim at na­pa­karaming hot showbiz news lately, kaya ‘yung issue niya tungkol sa pang-iisnab na i-“promote” ang Albay, hindi na pinag-uusapan pa.

Siguro kung hindi nagkaroon ng issue na “suicide attempt” o aksidenteng pagkakabaril ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa kanyang kanang dibdib at ‘yung napi­pintong pagbabati ng magkakapatid na Barretto dahil magde-debut party na si Julia Barretto ay baka ‘yung issue pa rin ni Xian ang pinag-uusapan.

Pero kahit hindi na “talk of the town” ang issue between Xian and the people of Albay, interesting pa rin malaman kung gagawin ba ng aktor ang challenges na hinihingi sa kanya ni Gov. Joey Salceda.

AiAi hindi nahirapang makakuha ng green card

Dinalaw ni AiAi delas Alas sa opisina ang immigration lawyer sa Los Angeles, California na si Atty. Jemela Netles.

Si Atty. Netles ang umayos ng Green Card ni AiAi sa Amerika.

Ayon sa immigration lawyer ni AiAi, hindi naging mahirap ang proseso ng pag-a-apply nila ng Special Visa Of Extraordinary Ability ng tinaguriang Comedy Concert Queen.

“Nang mag-immigrant na ang mga anak niya, saka kami nag-usap ni AiAi. Gusto na rin niya, pero hindi naman niya naibigay kaagad ang papers niya.

“Nang maibigay na niya ang papers niya sa akin at nai-submit ko ‘yon, madali na. Mabilis nga ang naging process,” sabi ni Atty. Netles.

Nitong Pebrero na pumasok sa Amerika si AiAi, isa na siyang certified Green Card holder.

Sa ngayon, bumalik daw muna sa ‘Pinas si AiAi dahil may mga aasikasuhin ito at babalik din daw ito kaagad sa L.A. after ilang months.

Kahit Green Card Holder na si AiAi, hindi naman daw nangangahulugang tuluyan na nitong iiwanan ang career sa ‘Pinas.

Talent manager tinanggal ang alaga sa indie film na nambarat

Ewan ko kung aware si talent manager na na-pull-out niya sa isang indie movie ang alaga niyang hunk actor dahil sa issue ng ta­lent fee.

Ang tsika kasi, nalaman daw ni talent ma­nager na mas malaki pa ang per day TF ng isang baguhang aktor na tunog Japanese ang pangalan at produkto ng isang talent search ng isang TV network.

Eh, tinawad-tawaran daw ng producer si talent manager para sa serbisyo ng artista nito sa isang indie movie at panay raw ang paliwanag ni producer na maliit lang ang kanilang budget, kaya pumayag naman si talent ma­nager.

Ang ikinaloka raw ni talent manager, nang makatsikahan niya ang handler ng baguhang aktor, nalaman niyang mas mataas ang per day TF nito sa proyektong ‘yon at para hindi na lang sila magtalo ng producer, nag-decide na lang si talent manager na i-pull-out sa indie project na ‘yon si hunk actor na married sa isang beauty queen turned actress.

Sey naman ng handler ng baguhang aktor, kaya mas mataas ang per day ng kanyang alaga ay dahil one day shooting lang naman ito sa nasabing indie project at hindi katulad ni hunk actor na ilang araw sa proyektong ‘yon.

A matter of miscommunication? Muk­hang hindi naipaliwanag kay talent manager na kaya mas malaki ang per day ni baguhang aktor ay dahil one day shooting nga lang ito sa indie project na ‘yon.

 

AIAI

ALBAY

AMERIKA

CAVITE VICE GOV

COMEDY CONCERT QUEEN

GREEN CARD

NIYA

TALENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with