^

Pang Movies

Ogie walang planong iwanan ang TV5

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pang-masa

Aminado si Ogie Alcasid na nalulungkot siya na hindi na nila kasama sa TV5 sina Sharon Cuneta at Aga Muhlach. Sa mga lumipat galing sa ibang network, sila na lang ni Derek Ramsay ang natira. “Sadyang ganyan naman ang buhay. Kaya kami na lang ni Derek ang nagbabalita minsan,” nagbibirong sabi ni Ogie na isa sa pinakamara­ming programa sa TV5.

Nabanggit din niya na hindi nga natuloy ang pagiging executive niya sa network na ikinatuwa naman niya dahil nagkaroon siya ng oras sa mag-ina niyang Regine at Nate.

Ang original plan ay siya ang magiging head ng music department ng TV5.

Hanggang 2016 pa ang kontrata niya sa TV5 at kung magre-renew siya after the contract, oo ang sagot niya. Nangako raw siya sa ninong Manny V. Pangilinan niya (owner ng TV5) na tutulong siya para tuluyan pang umangat ang network. “Ka­ilangan lang talagang pagtiyagaan,” pahayag ni Ogie kahapon matapos ang launching ng bago niyang programa sa network na Rising Stars Philippines na tinawag nilang novel televised singing talent show na may 19 episodes at mag-uumpisa sa March 14 at tatagal hanggang May 17, 2015, Saturday and Sunday evenings from 9:00 to 10:00 p.m.  Si Ogie ang main host at magiging co-host niya si Venus Raj.

Samantala, during yesterday’s tsikahan, may nagtanong kay Ogie kung may naging karanasan na siya sa bading. At doon niya nakuwento ang naging karanasan niya sa eroplano nang nakasabay niya ang isang Pinoy gay based sa Paris. Talagang nilapitan siya ng Pinoy gay. Binigyan siya ng pabango habang natutulog siya at lumuhod sa harap niya sabay sabing “please settle with me.”

“Nagulat ako. Sabi ko why me, eh andun si Gabby (Concepcion). Bago pa lang ako noong singer. Papunta kaming Vienna noon with AiAi (delas Alas),” recalled Ogie sa ginawa ng Pinoy gay.

Vivid pa ang memory ng singer/composer/host sa nangyari kaya detalyado pa niyang nakukuwento.

Pero ayaw na niyang ibuko ang pangalan ng Pinoy gay na literal na pinagnasaan siya.

Ang hindi lang sure ni Ogie ay kung naikuwento na niya ito sa asawang si Regine o hindi pa.

Anyway, kasama sa judges sa Rising Stars sina Nina, Jimmy Bondoc and Papa Jack.

Ang bongga ng Rising Stars dahil high tech ang audition. Kailangan mo lang i-record ang pagkanta mo sa video kahit cell phone mo lang gamit ang apps nila. Yup, Selfie Karaoke ang style ng audition nila para makasali.

I-download ang application sa inyong mobile phone at presto puwedeng nang kumanta at magka-career. Malay ninyo.

Bea sugatan nang mahulog sa bangka habang nagso-shooting

Nahulog pala sa bangka si Bea Alonzo habang nagso-shoo­ting ng pelikulang Crossroads. Mismong si Bea ang naglagay sa kanyang Instagram account ng picture ng pangalan niya sa hospital tag. “Went to the ER (emergency room) to have my bruises checked due to falling off the sail boat. #buhaypelikula” sabi ni Bea sa kanyang Instagram account.

Pero walang ibinigay na ibang information ang actress na matagal-tagal na ring namamahinga sa serye matapos ang Sana Bukas pa ang Kahapon na matagal  na ring wala sa ere.

Balitang kakaiba ang role ni Bea sa Crossroads na pinagbibidahan nila nina Richard Gomez and Dawn Zulueta with the special participation of Tom Rodriguez.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BEA

BEA ALONZO

DEREK RAMSAY

NIYA

OGIE

PINOY

RISING STARS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with