^

Pang Movies

Sharon may countdown sa pagbabalik, seryosong buhayin ang career

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagsimula na ang countdown ni Sharon Cuneta para sa kanyang pagbabalik.

Mismong si Sharon ang nag-announce sa kanyang mga tagahanga tungkol sa nalalapit na pagpapakita niya sa publiko.

Hindi na makapaghintay ang fans ni Sharon. Kanya-kanya sila ng hula. Magbabalik na ba si Sharon sa TV? May bago ba siya na product endorsement? Gagawa ba ng pelikula ang Megastar?

Malalaman ng Sharonians ang tumpak na kasagutan sa lalong madaling panahon dahil  may katiyakan ang statement na inilabas niya;

“To my dearest Sharonians, You will be seeing me in just a few days. In fact, much sooner than you ever expected. I love you all and thank you from the bottom of my heart for your unwave­ring love and support. And yes Surprise!!! This is a countdown!!!”

Matagal na hindi nagpakita sa publiko si Sharon, maliban sa mga litrato na inilalabas sa social media ng kanyang mga kaibigan.

Napansin ang dramatic weight loss ni Sharon sa mga picture na lumabas sa social media. Nagtagumpay si Sharon na magpapayat kaya curious ang fans sa sikreto niya. Type nila na malaman ang paraan na ginawa ni Sharon para mabawasan ng timbang dahil gagayahin ng kanyang mga tagahanga. Naging inspirasyon ng fans si Sharon.

Dingdong walang kaduda-duda sa pagkalalaki

Sigurado ako na hindi si Marian Rivera ang may-ari ng orange high-heel shoes na isinuot ng kanyang mister na si Dingdong Dantes dahil hindi magkasukat ang mga paa nila.

Puwedeng hiniram ni Dingdong ang sapatos mula sa kanyang ina o kapatid na babae. Malaki rin ang possibility na nanghiram siya ng sapatos  sa mga lady boy ng GMA 7.

Dahil tunay na mhin si Dingdong at never na naging questionable ang kanyang gender, hindi siya nahiya na magsuot ng high heel shoes sa pagdiriwang ng Women Power.

Magkaroon kaya ng lakas ng loob sina J, L, P, E, at another E na magsuot ng sapatos ng mga babae, kesehodang matagal nang pinagdududahan ang kanilang mga sexual preference? Magagawa ba nila na tapatan ang lakas ng loob ni Dingdong?

Chanda nag-pictorial muna bago nagpakasal sa simbahan

Kasama ni Chanda Romero sa presscon ng Pari ‘Koy ang kanyang mister na si Jose Mari Alejandrino.

Magdadalawang-taon nang kasal sina Chanda at Jose Mari at maligayang-maligaya sila, base sa mga eksena na na-witness ng mga reporter sa grand presscon ng Pari ‘Koy.

Cute ang kuwento ng Tagaytay wedding ni Chanda noong May 2014 dahil bago nagpunta sa venue ng kasal, nag-pictorial muna siya para sa My Husband’s Lover. Ganyan ka-professional si Chanda.

In fairness, hindi nawawalan si Chanda ng mga show sa Kapuso Network dahil sa kanyang husay at professiona­lism. Mapapanood siya sa Pari ‘Koy na magsisimula sa March 9 at kapalit ng More Than Words na nag-goodbye sa TV noong Biyernes.

Condolence...

Condolence kay Rubby Sy, ang big boss ng Flawless dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Sy Hap Sai.

Nakaburol ang labi ni Mr. Sy sa Chapel B ng Christ The King Church sa Green Meadows, Quezon City at bukas siya ihahatid sa kanyang huling hantungan. Nakikiramay ako at ang PM staff sa mga naulila ng tatay ni Mama Rubby.

vuukle comment

CHANDA

CHANDA ROMERO

CHAPEL B

CHRIST THE KING CHURCH

DAHIL

KANYANG

SHARON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with