^

Pang Movies

Sharon wanted na!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mukhang hindi matatanggihan ni Megastar Sharon Cuneta ang halina ng pulitika. May pinagmanahan naman dahil matagal naging Mayor ng Pasay City ang yumaong amang si Mayor Pablo Cuneta. Sana lang bago maisipang magpulitika ni Sharon, matuloy muna ang planong pagka-comeback niya  sa ABS-CBN.

Matagal-tagal na ring hinihintay ang kanyang pagbabalik sa Dos para maiba naman. Nagsasawa na raw sila sa paulit-ulit na mukha na napapanood sa telebisyon.

Malaking sakripisyo din naman ‘yung paulit-ulit mong nakikita ang mukha na nagbabago lang ng damit at ayos ng buhok.

Matuloy din sana, yung planong kunin si Nora Aunor para sa Maalaala Mo Kaya. Nakakasabik namang makapanood ng mga premyadong artista, na matagal na hindi  napapanood.

Si Aga Muhlach nga name-miss  din sa ABS CBN. Kahit nga sa komersyal, paulit-ulit ding mga mukhang nakakasawa ang napapanood.

Jake pinipigilang magseRyoso kay Bea

Uunahin daw muna ni Jake Vargas ang career kaysa tuluyang ma involve kay Bea Binene. Kung magseseryoso kasi ang binata, hanggang doon na lang siya. Magaling na artista si Jake, nag-Best Picture sa ibang bansa ang movie nito na  Asintado na isang indie film na directed by Louie Ignacio. May movie silang dalawa, Liwanag sa Dilim na kung bakit naman napasabay pa sa break up nila.

Hindi ko tuloy sigurado kung nagliwanag ang pelikula sa dilim.

Mga beterano napagsama-sama ni Mel Tiangco

Hindi akalain ni Tita Mel Tiangco ng  Magpakailanman na mapagsasama pala niya sa programa ang tatlong henerasyon ng artista na sina Ms. Anita Linda, Perla Bautista, at Gina Pareño. Tungkol sa tatatlong lola na nagkasama-sama sa isang Home for the Aged na nagpadala ng kuwento. Bihirang napagsama ang tatlo sa isang proyekto.

AGA MUHLACH

ANITA LINDA

BEA BINENE

BEST PICTURE

GINA PARE

JAKE VARGAS

LOUIE IGNACIO

MAALAALA MO KAYA

MEL TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with