^

Pang Movies

‘It’s crazy in the Philippines’ – Pacman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi type ng ibang mga kongresista ang mga suggestion na bigyan ng tax exemption si Manny Pacquiao sa laban nito kay Floyd Mayweather, Jr.

Ano kaya ang mararamdaman ni Papa Manny kapag nalaman nito na mga kasamahan niya sa kongreso ang tumututol na pagkalooban siya ng tax exemption?

Masasaktan ba si Papa Manny o dededmahin niya ang isyu dahil mas mahalaga ang kanyang boxing training para sa coming soon fight nila ni Mayweather?

Napaaga ang pagpunta ni Papa Manny sa US dahil ayaw niya na maabala ang boxing training dahil sa kanyang dialogue na “it’s crazy in the Philippines.”

Lani kalmado sa kondisyon ni Jolo

Nakakatanggap  pa rin ako ng mga phone call  mula sa mga tao na nagtatanong sa akin tungkol sa kalagayan ni Jolo Revilla.

Umaga pa lang, may mga tumatawag na sa landline at cell phone ko. Hindi naman ako nagsasawa sa kasa­sagot dahil mga tao na malaki ang malasakit kay Jolo at sa pamilya nito ang mga caller ko.

May constant communication din ako kay Lani Mercado dahil sa kanya ako nakikibalita tungkol sa sitwas­yon ng anak niya.

Nakakabilib talaga si Lani dahil composed na composed siya sa tuwing nag-uusap kami. Hindi mo mahahalata na may mabigat siya na dinadala dahil ang tatag-tatag niya.

Hindi siya katulad ng ibang mga babae na hysterical at hindi malaman ang gagawin. Kakaiba talaga si Lani. Wish ko lang, nabibiyayaan din ako ng pagiging kalmante niya.

Hindi pa humaharap sa mga TV reporter si Lani. Hindi pa siya nagpapainterbyu dahil ipinauubaya niya ang pagsasalita kay Atty. Raymond Fortun.

May time kasi si Atty. Fortun na magpainterbyu at umapir sa mga television show. Hindi gaya ni Lani na nakasentro lang ang atensyon kay Jolo at sa ibang mga anak nila ni Bong Revilla, Jr.

Mahalaga kay Lani ang bawat segundo, minuto at oras kaya si Fortun na lang ang humaharap at nakikipag-usap sa mga reporter na 24 oras na nakaabang sa ospital at naghihintay ng medical bulletin mula sa mga doktor ni Jolo.

Sen. Jinggoy kinontra si Sec. Mar

Pinabulaanan ni Senator Jinggoy Estrada ang akusasyon ni DILG Secretary Mar Roxas na naki-party siya kay Senator Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital noong February 14.

Sinabi ni Papa Jing­goy na dinala siya sa PNP General Hospital noong Valentine’s Day dahil sa pananakit ng balikat at tumagal lang ng sampung minute ang check up sa kanya.

Hindi raw totoo ang bintang na dumalo siya sa birthday party ni Enrile. Pinanindigan ni Papa Jing­goy na misinformed si Roxas.

Dingdong walang leading lady

Kagabi ang grand presscon ng Pari Ko’y sa ­GMA 7 studio.

Starring sa Pari Ko’y si Dingdong Dantes at ang ibang mga artista ng Kapuso Network.

Excited si Dingdong dahil kakaiba ang kanyang role at maganda ang kuwento ng teleserye na pinagbibidahan niya.

For the first time, walang love interest si Dingdong sa Pari Ko’y dahil pari nga ang role niya.

Si Maryo J. Delos Reyes ang direktor ng Pari Ko’y na isang comedy. Forte ni Kuya Maryo ang mga comedy dahil blockbuster noon ang kanyang mga pelikula na High School Circa ’65, Bagets  etc.

DAHIL

GENERAL HOSPITAL

JOLO

LANI

NIYA

PAPA MANNY

PARI KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with