^

Pang Movies

Kahit naging karibal Maja fan na fan pa rin ni Sarah

- Vinia Vivar - Pang-masa

Maja Salvador feels so blessed and thankful sa mga dumarating ngayon sa kanya. Kinuha siyang muli bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners na pag-aari ni Ms. Aileen Go ng Megasoft na nagkaroon ng grand launching last Friday night, may bago siyang serye sa ABS-CBN na Bridges of Love na ipalalabas na sa Marso at may pelikula rin siyang ginagawa under Regal Films and Star Cinema with Dennis Trillo.

Sa grand launching ng Sisters, sinabi ni Maja na very excited siya sa kanyang mga project na ito lalo na nga ang magagandang feedbacks sa teaser ng Bridges of Love kung saan ay kasama niya sina Paulo Avelino at Jericho Rosales.

“Excited akong maipakilala na sa inyo si Mia Sandoval, ‘yung karakter niya, kasi ano ‘yung nasa likod na ‘yun ng pagsasayaw na ‘yun? Ano ‘yung iniiyak niya du’n sa pagsasayaw niya? Bakit ganun klase siyang babae?”  sabi ni Maja.

Ini-reveal ng aktres na hindi pala sa kanya talaga originally ang nasabing serye.

“Itong Bridges of Love, actually, ipini-pitch pa ito sa ibang artista kasabay ng The Legal Wife. Kay Anne Curtis talaga dapat ito kaya lang nag-Dyesebel kasi siya and then, hanggang sa, parang hindi ko na alam ang nangyari, and then, in-offer nga sa akin. So, I’m very thankful and blessed na parang ‘di ba, kasabay nito pini-pitch sa ibang artista tapos ngayon, nag-end din sa akin,” she said.

Nahingan din ng reaksyon ang aktres sa tweet ni Lea Salonga na siya ang ikino-consider nitong most beautiful face in showbiz.

Ayon kay Maja, hindi raw niya nakita ‘yung tweet pero may mga fans nga raw na nagsasabi sa kanya.

“Coming from Ms. Lea, wow!” she said.

“Feeling ko po kasi, nung nag-tour kami sa US, nabola-bola ko si Ms. Lea” natatawa niyang sabi.

“Pero coming from Miss Lea, ang saya naman nu’n, hindi ko po alam ang sasabihin ko, coming from Miss Lea na parang hindi rin siya tumatanda, thank you, thank you Ms. Lea, sobrang na-appreciate ko po dahil na-appreciate n’yo po ‘yung mukha ko, thank you,” say ni Maja.

Sino naman ang most beautiful face para sa kanya?

“’Yung napapangiti talaga ako? Iba kasi ‘yung charm ni Sarah Geronimo, eh. Sino pa ba? Si Ms. Dawn Zulueta,” she said.

Nakakatuwa naman na si Sarah talaga ang napili niya considering na ex-girlfriend ito ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.

“Hindi, actually, fan naman talaga ako ni Sarah, eh. Lalo na ‘yung loveteam nila ni John Lloyd Cruz. Hindi kasi, parang pag nakikita mo siya, parang may ibang aura siya na ibinibigay sa ‘yo. ‘Yung magaan lang, ‘yung ganu’n,” say niya.

Okay daw sila ni Sarah at wala silang kahit anong problema.

“Mag-ate kami. Hanggang ngayon, ate tawagan namin,” sambit pa ni Maja.

Rochelle todo ang ginawang pag-aalaga kay Arthur nang mapatiran ng litid

Napakabuting girlfriend ni Rochelle Pangilinan dahil siya talaga ang nag-alaga sa boyfriend na si Arthur Solinap nang maaksidente ito kamakailan lang.

Biro niya, ang papel daw niya ay taga-buhat ng hita ni Arthur.

“Ang laking tao ni Art, kapag medyo na-fold mo nang konti, sobrang sakit. Kasi nga, tanggal talaga ang litid, ‘yung litid sa buto, sa knee cap.  Talagang ultimo kung maliligo siya, kailangan mong buhatin halos siya. Lalo na noong kao­opera niya, as in hirap na hirap na hirap talaga siya.

“Kapag uupo siya, kailangan mong buhatin ang buong leg niya, saka pa lang siya bababa. Buti na lang dancer ako, may timing kaming dalawa. Pati pagbaba niya sa kotse, kailangan talaga timing,” kwento ni Rochelle nang makatsikahan namin over dinner recently.

So, napatunayan ni Art kung gaano siya kaalagang girlfriend?

“Naku ha, pag naman ano pa,” natatawang sabi ni Rochelle na ang ibig sabihin marahil ay kapag ipinagpalit pa siya or iniwanan pa siya, ewan na lang niya.

Seven years na pala ang relasyon nila at siyempre, napag-uusapan na rin nila ang kasal.

“Pero wala pa, hindi pa ako nagpo-propose, eh,” natatawa niyang sabi.

BRIDGES OF LOVE

MAJA

MISS LEA

MS. LEA

NIYA

SIYA

TALAGA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with