^

Pang Movies

Chairman Tolentino nagpaalam na sa MMFF!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayang-malungkot ang 40th Metro Manila Film Festival Appreciation Dinner at ang launch ng 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Huwebes, Februa­ry 26.  Masaya dahil ginanap na ang event sa bagong tayong MMFF Cinema na katapat lamang ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) building in Guadalupe, Makati City. Noontime bago ang event, isinagawa ang ribbon cutting at inauguration ng building with Ms. Susan Roces and MMDA and MMFF Chairman Francis Tolentino

Malungkot, dahil magbibitiw na si Chairman Francis sa kanyang katungkulan, para pag­­handaan ang muli niyang pagpasok sa pu­litika para sa national elections sa May, 2016.  Sa kanyang opening remarks nagpa­alam na siya at nagpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya sa limang taon niyang panunungkulan sa MMFF. 

“Masaya ako sa honor at sa kaalaman na ang mga kinita ng MMFF ay tumataas taun-taon,” pahayag ni Chairman Francis.  “Naniniwala akong sa taong ito ng festi­val, mas maraming magagandang pelikula ang ilalahok para mas malaki ang kitain para ma­tulungan ang ating mga beneficiaries. Sisi­mulan natin ang festival sa taong ito sa pa­ma­magitan ng Summer Student Film Festival at umaasa akong ang mga students natin ay mag­papadala ng kanilang mga entries.  Bukas ito para sa Student short film at Cinephone cate­gories.”

Ang Student Short Film category ay bukas para sa mga student filmmakers mula sa local colleges and universities, may maximum 20 mi­nutes running time at dapat ginawa between 2014 at 2015. Deadline ng submission ay sa April 17.  Ang Cinephone naman ay isang nationwide cell phone movie-making contest para sa mga high school at college students.  Ang Video length ay three mi­nutes lamang at dapat may specific theme.  Deadline din sa April 17 at 60 videos ang pipiliing finalists.

Ang deadline ng submission of scripts for the MMFF 2015 ay sa June.

Ang highlight ng event ay ang awarding ng cash incentives sa mga nanalo noong nakaraang awards night ng MMFF last December 27 at ang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa National Youth Commission at sa Phi­lip­pine Association of Communication Educators, Inc. na susuporta sa Summer Student Film Festival.

Tumanggap ng cash incentives ang mga nanalo sa Cinephone, New Wave, Animation, Student Short Films, at sa mainstream movies.  Ilan sa mga personal na tumanggap ng kanilang mga cash incentives sa New Wave category sina Director Zig Dulay, Best Actor Allen Dizon, Best Supporting Actress Gloria Sevilla.

Sa mainstream, personal na tinanggap ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang Best Child Performer award for My Big Bossing, Best Supporting Actress Lotlot de Leon for Kubot: The Aswang Chronicles 2, Best Director Dan Gon­zales, Best Actress Jennylyn Mercado at Best Actor Derek Ramsay for English Only, Please.  Personal ding tinanggap ng mga producers ng Best Pictures na Bonifacio, Kubot: The Aswang Chronicles 2, at English Only, Please ang kanilang cash incentives.

Ang Bonifacio ang tumanggap ng pinakamaraming cash incentives dahil bukod sa Best Picture, sila rin ang nanalo ng FPJ Memorial Award for Excellence at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Ang mga beneficiaries naman ng 40th MMFF ay ang MOWELFUND, Film Academy of the Philippines (FAP), Optical Media Board (OMB), Anti-Film Piracy Council (AFPC), at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

ASWANG CHRONICLES

BEST

BEST ACTOR

BEST SUPPORTING ACTRESS

FILM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with