^

Pang Movies

Court hearing ng kontrobersiyal na kaso, dapat ilihim na lang para ‘di pagpiyestahan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa Lunes na raw ang court hearing ng isang kontrobersyal na kaso.

Inilihim na lang sana ang pagdinig sa kaso para hindi na pumunta sa korte ang mga miyembro ng media at bilang proteksyon sa mga sangkot sa isyu na masyadong maselan.

Or  huwag nang i-cover ng media ang hearing para mapangalagaan ang privacy ng mga involved.

Jam Sebastian hirap na hirap na

May report ngayon hapon ang Startalk tungkol sa pakikipaglaban ni Jam Sebastian sa kanyang karamdaman na lung cancer.

Ang Startalk ang kauna-unahang showbiz talk show na nagbigay ng atensyon sa malungkot na kalagayan ni Jam.

Nabubuhay ngayon si Jam sa pama­magitan ng life support system pero kahapon, nagising siya at humingi ng ballpen para isulat ang “I love you” sa papel na nangangahulugan na alam na alam niya ang nangyayari sa paligid, kahit hirap na hirap na siya.

Dumalaw si Kris Aquino kay Jam noong Huwebes ng gabi para pagbigyan ang kahilingan ng may-sakit na makita siya nang personal.

Nanggaling si Kris sa state dinner para kay President Francois Hollande ng France kaya hindi na siya nagpalit ng damit nang dalawin niya si Jam.

Bumuhos ang mga dasal para kay Jam at sa  pamilya ­niya dahil sa dasal ng kanyang ina na si Maricar Sebastian na  bigyan ito ng Diyos ng lakas para tanggapin ang katotohanan.

 Malungkot na malungkot si Maricar dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin na dying ang kanyang anak.

Naka-relate si Kris sa nararamdaman ni Maricar dahil nanay rin siya.

Sen. Loren nagpasalamat kay Frensch President Hollande

May pakisuyo ang staff ni Senator Loren Legarda tungkol  sa pagkikita nila ng French actress na si Marion Cotillard sa launch  ng Manila Call to Action on Cli­mate Change na naganap noong Huwebes sa Malacañang Palace.

Magkasama na binasa nina Mama Loren at Marion ang joint statement ng Pilipinas at France  na parehong umaapela sa international community na makiisa at tumulong sa climate action at para maging matagumpay ang global climate agreement sa 21st Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP 21). Ang France ang host country ng conference na idaraos sa December 2015.

Kinikilala si Mama Loren bilang  United Nations Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific at ­ayon sa kanya,very crucial platform for climate action ang COP21.

Nagpasalamat si Mama Loren kay French Presi­dent Francoise Hollande dahil sa matinding interes nito na maging successful ang conference na inaasahan na magbibigay ng mahalagang resulta.

     

ANG FRANCE

ANG STARTALK

CLIMATE CHANGE

CONFERENCE OF THE PARTIES OF THE UNITED NATIONS FRAMEWORK CONVENTION

JAM SEBASTIAN

MAMA LOREN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with