^

Pang Movies

Sheryl sa radio muna gustong umarte

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Loveless man si Sheryl Cruz ay naging masaya ang Valentine’s Day niya. Nag-dinner sila sa Eastwood Mall kasama ang anak na si Ashley at ang dalawang anak ng kapatid na si Renzo Cruz.

Hindi naman iniinda ni Sheryl ang pagiging single mom pero aminado ang singer/actress na gusto rin naman niya na magkaroon ng inspirasyon. Pero ayaw niyang i-push o ipilit dahil pakiramdam niya darating din naman daw ito sa takdang panahon.

Basta kung papipiliin siya ng bagong lalaki, gusto niya ang presentable, professional, at marunong magmahal ng kapatid lalo na sa mga babaeng kapatid. Doon lang daw niya mapapatunayan na mamahalin siya ng lalaki.

Matapos ang Strawberry Lane na kinabilangan ni Sheryl ay hindi muna siya tumanggap ng bagong project sa GMA dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ang bago niyang album na Sa Puso Ay Ikaw Pa Rin na released ng Universal Records at produce ni Mon del Rosario.

Isa pang pinapangarap niya ay ang maging bahagi ng radio dramas. Gusto raw niyang sundan ang yapak ng tiyahin na si Susan Roces sa aspetong ito. Naging radio talent din si Susan Roces noong araw bago ito sumikat na artista.

Luis sinalo si Derek

Naging mapangahas ang hakbang ni Mark Angelo Castillo, na siyang nagtatag ng Starquest Alliance Production Inc. Hindi naging hadlang ang mga artist center ng iba’t ibang network para itatag ang talent agency na ito na nagbibigay pag-asa sa mara­ming kababayan natin na gustong pasukin ang showbiz. Bukod diyan ay gumagawa ng mga indie movie ang Starquest na ginagamit ang kanilang pool of talents kasama ang mga sikat na artista natin.

Isa na rito ang indie movie na Mandirigma na ididirek ng veteran news reporter na si Arlyn dela Cruz na bida si Luis Alandy. Si Derek Ramsay ang original choice sa role.

LJ mina-mani na langang pagpapa-sexy

Napakaganda at lalong sume-sexy ngayon si LJ Reyes. Napaka-effective ni LJ sa role niyang may pagkapokpok sa afternoon serye na Yagit. Kahit maputi at makinis ay nagawa ni LJ na magmukha siyang cheap or easy going sa Yagit. Hasang-hasa na ang ex ni Paulo Avelino sa mga role na ibinibigay sa kanya.

Bukod sa Yagit ay isinabay na rin ni LJ ang pagpasok sa stageplay. Naging matagumpay at nagampanan niya ng mahusay ang role sa stageplay na kasalukuyang ipinapalabas sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at mapapanood tuwing weekend for four weeks.

Ang anak na si Aki ay limang taon na at sanay na magkahiwalay ang tinitirahan ng ama at ina. Never daw nagtanong ang bata at namulat na sa ganitong sitwasyon.

Gabby ayaw lubayan ng trabaho dahil sa kasipagan

Napakasuwerte nitong si Gabby Eigenmann. Hindi pa man natatapos ang kasalukuyang teleserye ay may bago na itong ginagawa. Hindi lang isa kundi dalawang project ang nakatakda niyang umpisahan na mag-eere ngayong March. Ito ay ang Pari Ko’y na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes at Instadad na si Gabby mismo ang bida.

Magaling at walang kaarate-arte kasi itong si Gabby at never kang makakarinig ng mga reklamo o pintas tungkol sa kanya kaya siguro maraming trabaho.

Ngayon ay isa na naman siya sa mga nominado sa Best Supporting actors ng PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Asintado na idinirek ni Louis Ignacio.                                                               

BEST SUPPORTING

BUKOD

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DINGDONG DANTES

EASTWOOD MALL

GABBY EIGENMANN

ISA

SUSAN ROCES

YAGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with