^

Pang Movies

Richard mga bagets ang kalaban sa nominasyon sa Best New Movie Actor

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Excited na si Richard Yap sa bagong project na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos. Malaki raw ang kaibahan nito sa Be Careful with My Heart pero hindi niya puwedeng idetalye sa nasabing proyekto.

Unang pelikula niya ang pinagsamahan nila ni Vice Ganda noong Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tuwang-tuwa naman si Ser Chief nang makarating sa kanya ang balitang nominado siya sa New Movie Actor of the year kung saan mga bagets ang makakalaban niya. Nomination pa lang daw ay malaking bagay na sa kanya.

Sa kabila ng pagiging busy ni Richard sa showbiz at negosyo ay may panahon pa siya sa pamilya. After ng MMFF ay nagbakasyon sila sa Hong Kong ng isang linggo at every weekend ay may chance naman daw siyang maki-bonding sa kanila.

Inamin din ni Richard Yap ang naging problema sa hindi natuloy na concert na pagsasamahan nila ni AiAi delas Alas. Hindi raw tumupad sa usapan ang producer na pinagtiwalaan nila kahit may mga naririnig silang hindi maganda. Ang ending sila pa raw ang binabaliktad.

Nakatenggang pelikula ni Jake, ipalalabas na!

Two years ago pa natapos ang shooting ng indie film na Bahay Ampunan ni Jake Vargas pero sa Feb 25 lang maipalalabas. Hindi naman nagbago ang hitsura ni Jake kumpara noong ginagawa pa lang niya ang pelikula kaya ok lang. Kasama ni Jake sa pelikula ang ilang kasamahan sa Walang Tulugan with The Master Showman at ilang senior stars gaya nina Elizabeth Oropesa, Rustica Carpio, at iba pa.

Wala pa rin naman balikang nagaganap sa pagitan nina Bea Binene at Jake. Pero umaasa si Jake na may pag-asa pa silang magkabalikan ni Bea.

Kaya hindi niya pinapatulan ang mga tsika na kesyo nagkakamabutihan si Bea at ibang lalaki. Matatandaan na noong huling mag-break sila ay parang si Ken Chan ang natsitsismis na kasama ni Bea sa mga lakad nito. Ngayon naman ay si Derrick Monasterio na itinanggi ng huli dahil may girlfriend daw siyang iba. Kaya natawa lang ang magaling na actor ng The Half Sisters.

Miggs gustong maging Dennis Trillo paglaki

At a young age, marami-rami na ring acting awards na nakuha ang child actor na si Miggs Cuaderno.

“Bale ‘yung isa po, ‘yung Best Supporting Actor po ako dun sa Children’s Show tapos po ‘yung Best Actor po.”

Nagwagi si Miggs bilang Best Actor sa Cheries Cheris Film Festival sa Paris, France para sa indie movie na Quick Change noong December.

Kahit sa telebisyon ay may award na rin daw si Miggs.

Bukod sa Second Chances ay bahagi rin ng TV show na Tropang Potchi ang ten-year-old na si Miggs. Masaya si Miggs sa mga natatanggap niyang acting award. Ngayon ay kasama siya sa list of nominees for Child Performer sa upcoming Star Awards for Movies sa March 8 sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino na eere sa March 22.

Paglaki niya, nais daw ni Miggs na sundan ang mga yapak ng Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Nakasama na ni Miggs si Dennis sa indie movie na Ang Katiwala at sa isang episode dati ng Spooky Nights sa GMA.

Samantala, “Wala po,” ang natatawang sinabi ni Miggs nang tanungin namin kung may crush na siya.

“Wala pa po e, pero dati po kay ate Sam Pinto po. Dati po, pero ngayon wala pa po, e.”

Lumipas na raw ang crush niya sa sexy actress.

ACTOR

ANG KATIWALA

BEA

BEST ACTOR

DENNIS TRILLO

MIGGS

RICHARD YAP

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with