^

Pang Movies

Kuya Germs bibiyahe na sa Manaoag sa Holy Week

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Aba talagang ayaw nang paawat ni Kuya Germs Moreno dahil nakaplano na agad ang kanyang biyahe sa Lunes Santo. Sabagay, taun-taun naman talaga bumibiyahe si Kuya Germs sa Manaoag, Pangasinan sakay ng isang bus kasama ang kanyang buong pamilya at ibang kaibigan pati na rin ang ilang press. Maraming pumipigil sa gagawing pagdalaw sa Manaoag ni Kuya Germs dahil baka hindi niya kayanin ang mahabang biyahe. Pero with doctor’s permission, puwedeng-puwede na ang Master Showman na lumarga.

Hindi nag-aalala ang pamilya ni Kuya Germs dahil bukod pinayagan na nga ito ng doctor, kasama rin nito ang kanyang pamangkin na si John Nite na isa ring doctor kaya wala raw silang aalalahanin sa pagbiyahe nito. By that time, bale halos 3 months nang nakapahinga si Kuya Germs mula nang ma-stroke siya. Hindi rin nag-aalala si Kuya John Nite dahil getting better nga raw ang sitwasyon ni Kuya Germs.

Ilang reason daw ng stroke ni Kuya Germs ang pagka-dehydrate, plus LBM at puyat na galing sa countdown ng bisperas ng New Year. Dahil sa getting stronger na ang Master Showman maraming nagsasabi na mas nagmukhang bumata ito.

Pero inip na inip na raw ito at gusto nang sumabak muli sa kanyang trabaho kahit inaawat muna ng pamilya. Kilalang workaholic kasi si Kuya Germs. Pati ang pagkain ni Kuya Germs ay bantay-sarado ng kanyang anak na si Federico. 

Humahataw na naman daw si Kuya Germs ngayong ibinalik na nila ang cell phone sa Master Showman na wala raw tigil sa pakikipag-usap sa kanyang telepono. Dahil atat na atat nang bumalik si Kuya Germs sa trabaho, excited na itong matapos na ang buwan ng Marso dahil pinapayagan na siyang bumalik sa radyo. Panay na nga ang labas at pasyal ng Master Showman na ipinagdarasal pa ng buong pamilya na lalo pang lumakas. Iniiwasan lang nila ma-depress at ma-stress si Kuya Germs.

Piolo guwapong-guwapo sa anak

Nagtatampo pala ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo dahil hindi siya sinasamahan ng ama sa kanyang trabaho sa set. Tama naman ang ginagawa ni Papa P dahil iniiwasan lang nito na maikumpara silang mag-ama na alam naman nilang hindi maiwasan.   

Proud naman si Piolo dahil unti-unting nagkakaroon ito ng sariling identity dahil isa rin itong magaling na actor. Inamin din ni Papa P na mas pogi raw sa kanya ang anak mapa-TV screen or kahit daw sa personal.

vuukle comment

DAHIL

GERMS

JOHN NITE

KANYANG

KUYA

KUYA GERMS

KUYA GERMS MORENO

KUYA JOHN NITE

MASTER SHOWMAN

PAPA P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with